Julia Barretto, naasiwa kay Joshua

Julia Barreto

Nagsimula nang mag-promote ang ABS-CBN at Star Cinema ng kanilang MMFF entry na Vince and Kath and James by making the lead stars Joshua Garcia and Julia Barretto plug their movie.

Medyo kailangan lang turuan pa ng konti si Joshua sa pagsasalita at halatang tensyonado at nangangapa siya sa spiels lalo na ang shift from Tagalog to English.

Tuloy, medyo asiwa, aloof at distant sa kanya ang sosyaling si Julia.

***

IN DUE FAIRNESS ang paboritong expression ng Punong Hurado sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ sa It’s Showtime.

Pero medyo off ang comment niya sa isang contestant na kumanta ng komposisyon niyang Pangako Sa ‘Yo.

Sabi ni Ka Rey Valera, “Huwag mo masyadong seryosohin ang training mo sa classical music, wala masya­dong pera du’n. Dito ka na lang sa maraming raket.”

Sir Rey, PERA ho ba ang sukatan ng tagum­pay?

***

Mocha Uson at Pang. Rodrigo Duterte
Mocha Uson at Pang. Rodrigo Duterte

Tampok si Mocha Uson sa Tunay na Buhay bukas ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Mula nang maging lider siya ng all-girl sexy group na Mocha Girls, pinaligaya niya ang kalalakihan.

Pero sa ngayon, mas aktibo na si Mocha sa social media kung saan mayroon na siyang mahigit apat na milyong followers. Karamihan sa kanyang mga ipino-post, tungkol sa pagsuporta niya kay Presidente Rod­rigo Duterte.

Dahil dito, nasasangkot siya sa iba’t ibang kontrobersya.

‘Di ba, Laharni Dilaw vda. de Espinosa?

***

Medyo makulay ang pagkapanalo ni Jasmine Curtis-Smith bilang best actress sa Cinema One Originals filmfest.

Nakalaban niyang nominado sa pagka-Best Actress sina Nathalie Hart at Shaina Magdayao.

Too bad, the jury which included Shaina’s ex boyfriend John Lloyd Cruz favored Jasmine’s work over the Kapamil­ya actress.

***

Magkahawig ang PBB Teen Housemate na si Maymay Entrata at si Melai Cantiveros-Francisco.

Nasa kanila ang mali-mali comic charm pero mas natural si Melai kaysa kay MayMay na halata mo ng may halong drama at akting ang kanyang pagsasalita at pagdadala ng sarili.