WALEY: Gaano katotoo ang balita na dahil na rin sa pagod sa halos araw-araw na taping para sa successful at tatagal pang teleserye niyang Doble Kara, bumigay na si Julia Montes at muntik nang mag-collapse kaya dinala na sa hospital nitong weekend?
Wala kang masasabi sa pagka-professional ni Julia na kambal ang character na ginagampanan.
Recently, nag-celebrate na ng unang anibersaryo sa pagte-taping ang stars, staff and crew ng Doble Kara.
Balitang aabutin pa ng 2017 ang showing ng teleseryeng ito (gaya ng Ang Probinsyano ni Coco Martin).
Panalangin natin na sana, bigyan pa si Julia ng sapat na lakas at resistensya at inspirasyon na rin para magampanan nang mahusay ang kanyang papel sa Doble Kara.
Sana, matulungan siya ni Coco, na napapabalitang “close” kay Julia.
Dumaan na si Coco sa ganitong kambal na character sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin.
Maging sa Ang Probinsyano ay kambal ang karakter ni Coco, pero ‘yung isa ay namatay agad.
Si Coco kaya ang inspirasyon ni Julia na marahil nagbantay sa kanya sa kanyang pagkakaospital?
Malamang.
Ang saya, di ba?
***
HAVEY: Nasa huling mga araw na ang Superstar Nora Aunor sa pagsu-shoot ng Hinulid, isang pelikulang gawa ng taga-Bicol.
Sa Bicol ang location — sa Naga at sa Iriga.
Ipinagmamalaki ito ni Ate Guy na ngayon pa lang ay humihingi na siya ng tulong sa mga kaibigan na tulungan ang pelikulang mapansin hindi lang dito sa ating bansa kundi sa mga international film festivals.
Labor of love ang nangyari sa pelikulang ito. Nag-ambag-ambag ang fans na tagasuporta ni Ate Guy para matuloy itong pelikula.
Ang Hinulid ay kuwento ng isang nanay na namatayan ng kaisa-isang anak na law student dahil sa fraternity hazing.
Sabi ng direktor na si Kristian Sendon Cordero, “parang homecoming din ito ni Ate Guy at babalik siya sa kanyang mahal na pinanggalingan — ang Bicol.”
May religious tone ang upcoming movie ni Ate Guy dahil ang Hinulid ay tumutukoy sa Dead Christ, ang debosyon ng mga mamamayan sa Naga, Iriga at iba pang dako sa Bicol region.
Si Ate Guy si Sita Dimaiwat, isang inang nagtatrabaho sa ibang bansa bilang OFW sa pagtataguyod sa kinabukasan ng kanyang anak.
Magiging nostalgic ang paggamit ng tren sa Iriga City station, kung saan nagtinda ng tubig si Nora bago siya naging singer at artista, sa pamamagitan ng pagsali sa amateur contests, una sa kanilang bayan, hanggang tanghaling kampeon ng Tawag ng Tanghalan noong 1967.
Sabi ni Direk Kristian, “Hindi na tumatakbo ang mga tren ngayon sa Iriga papuntang Maynila mula noong year 2000.
“Pero hihilingin natin na magpatakbo ng tren para sa pelikula ni Ate Guy.”
Sa mga pelikulang ginawa ng Ate Guy ngayong taong ito, kasabay ng panloloko raw sa kanya ng isa pang Bicolanong direktor, heto ang nasabi niya, “Itong Hinulid ang tunay na maipagmamalaki ko sa mga ginawang kong pelikula ngayon.”
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me @iamnoelferrer.