Julia, Coco may baby na?

Nagsimula sa blind item ang umano’y panganganak ni Julia Montes. Hindi sa Germany kundi sa Pilipinas.

Sa ngayon ay pinangalanan na siya sa social media.

Ayon sa site, showbiz insi­ders umano ang nagkumpirma sa sitwasyon ng aktres.

Hinuhulaan din na umano’y si Coco Martin ang ama.

Bagama’t walang inaamin ang dalawa sa kanilang relasyon, hindi mamatay-matay ang tsika na may maganda silang pagtitinginan.

Marami ang nagtataka sa pagkawala ni Julia sa sirkulasyon pagkatapos ng kanyang serye na ‘Asintado’. Napakatagal ang pagbabakasyon niya sa Germany.
Bagama’t itinanggi noong Ener­o ng manager niyang si Erickson Raymundo ng Cornerstone na buntis ito.

Pero pinagpipistahan pa rin sa blind item na umano’y nanganak si Julia sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

May lumabas ding blind item na na-delete, na hinuhulaan ng mga netizen na si Julia ang tinutukoy: “Congrats sa isang aktres na isa nang ganap na ina courtesy of her bf na sikat na aktor.

“Totoo bang habang umiiri sa delivery room (sa isang ospital sa San Juan) ay nakatakip ang mukha ng aktres para hindi makilala?

“Siguro, ayaw muna ng aktres na kuma­lat nang bongga at inihahanda lang nila ng aktor ang announcement ‘pag naka-recover na sa panganganak ang bagets.”
Pinalitan ng showbiz insider ang kanyang post.

“So me nauna na pala sa akin na magbalita ng tungkol sa panganganak ng isang aktres recently sa isang ospital sa San Juan.

“Na ang akala ng marami ay sa ibang bansa ito naganap.”

“Anyway, hintayin na lang natin ang aktres na maka-recover at ma-enjoy muna ang kanyang baby at pasasaan ba’t maririnig din natin ang magandang balitang ito mula mismo sa kanya.

With regards to the identity of the father of her baby, mas magandang sa kanya na lang natin ito marinig mismo. May nagtanong kasi sa amin kung sure daw ba ako na ‘yung sikat na aktor ang ama. If yes, happy naman sila, pero para lang wala nang duda-duda, hintayin na lang natin ang newest mom na magsalita tungkol sa bagay na ito.

“After all, happy naman ang lahat sa panibagong blessing na ito na dumating sa buhay ng aktres.

“At alam kong napaka-suwerte ng batang ito sa kanyang mga magulang.”

Wala pang opisyal na paha­yag sina Coco at Julia kung ano talaga ang real score sa nasabing tsismis. Bukas ang pahinang ito para sa ikakalinaw ng naglalabasang haka-haka.