Julia ‘di mabibiktima ni Gerald

NI: ALWIN IGNACIO

Hindi makakaila na fascinated at smitten talaga si Julia Barretto sa anything and everything that had to do kay Gerald Anderson. Ano ito? Go for gold na ba talaga ang public admiration ni pretty young Julia para sa binatang makisig at saksakan ng tikas?

May bidyo kasi kung saan kunyari ang isang babae chubbylita ay tinatanong kung siya ay jowa ni Gerald at may posibilidad na siya ay maging ex nito.

Ang girl sumagot with a stage whisper na hindi siya mabibiktima nito at ang drama pa, si Papa Gege ay katabi niya lang.

Pang -best actor ang emote ni Gerald na parang magkahalong shookt at lungkot ang mababasa sa facial expreession ng diumanong dakilang aktor.

Kaya, hindi ko maiwasang magtaka at magtanong, kaya ba super liked ni Barretto ang video posting dahil confidently beautiful siya na di magiging ex nito? Na sa pagkakataomg ito, hindi siya magiging biktima, definitely hindi mago-ghosting dahil iba ang pangrahuyo na meron siya. At sa simpleng pag-like lamang eh lalong umiigting at nag-uumapaw ang kanilang closeness?

My gosh!! Saan pa kaya patutungo ang mga liking na ito? Tama na ba ang panahon para umamin na ang dalawa na yes oh yes, they are so freaking in love..

Ang saya-saya naman ng progress sa closeness nina Julia Barretto at Gerald Anderson. Parang ang pagmamahalan nila ang pupuksa sa pesting veerus, huh.