Julia etsapuwera sa 3 pelikula ni Joshua

Ni: Mildred A. Bacud

Sa wakas, matutuloy na ang showing ng pelikulang “Block Z” nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Ipapalabas na ito ngayong Enero. Matagal din itong nabinbin. Hindi man aminin ng produksyon, may kinalaman umano ang isyung kinasangkutan no’n nina Julia at Gerald Anderson.

May malungkot na balita sa mga JoshLia fan. Hindi na muna masusundan ang pelikulang ito na sila pa rin ang magkasama. Tatlong pelikula ang gagawin ng aktor this year na wala umano si Julia.

Ang tsikang nakarating sa amin, si Joshua raw ang ayaw munang makatrabaho ang ex-girlfriend.

Nu’ng huli naming ma-interview ito, sinabi niyang gusto niyang mag-focus muna sa career at hindi na priority ang love life. Hindi nga naman makakatulong na makapag-move on siya totally kung makakasama niya ang dahilan ng pagka-heartbroken niya.