MEGA-HANGOVER pa ang mga artista sa ginawa nilang pagrampa sa Bench last Saturday, at mababasa sa kanilang mga social media account ang mga masasayang karanasan nila.

“Beautiful experience,” ang sey naman ni Julia Barretto sa pagrampa niya na naka-white sports bra lang.

Nakaliyad naman si Lovi sa photo niya na suot ang yellow floral two-piece bikini na ginamit niya sa show at sinabing ang saya ng naging karanasan niya.

“Hey , that was fun! Yay, it’s done! #happydance #BenchUnderTheStars.”

Hindi naman sinolo ni Solenn Heussaff ang pagiging dyosa. Pinuri niya sina Julia Barretto at Gabbi Garcia na nasa likod niya.

Isa si Solenn sa pinalakpakan nang mala­kas nung gabing ‘yun at isa sa itinuturing na reyna dahil siya lang ang nag-moment nang husto nung sumakay siya sa metal ring at itinaa­s sa ere.

Inisnab si Solenn ng mga kaibigan niyang sina Isabelle Daza at Georgina Wilson sa Bench show dahil mas pinili ng dalawa na mag-attend sa ibang event.

Anyway, satisfied at masaya naman si Sanya Lopez sa make-over na ginawa sa kanya.

“I really like how I looked last night. So fun to work with you @rjdelacruz and @deniseochoa. Thank you so much,” sey ni Sanya.

Limang magkakaibang anggulo naman ang pinoste ni Markki Stroem. Matapos maghubo’t hubad, tiyak na dadami ang acting projects ng aktor.