Julia itinago ang bagong dyowa

Mukhang may bago na ngang pag-ibig ngayon si Julia Barretto base na rin sa mga naging pahayag niya sa Magandang Buhay aired yesterday. Tinanong kasi siya ng isa sa hosts na si Melai Cantiveros tungkol sa kanyang birthday post sa Instagram kung saan ay na-mention niya na nag-celebrate sila ng dinner of 10 with family and a loved one.

“Ah, so ‘yun. . .mas. . .” sagot ni Julia na walang maisip sabihin kaya nagkatawanan ang mga hosts.

And then, she continued, “mas pinili ko na lang na mag-celebrate ng intimate, ng mas private, ng mas. . . with the people na, alam mo ‘yun, ‘yung nakasama ko ng like last year hanggang sa ngayon.

“And ‘yun nga, katulad nang sinabi ko, nun’g pagkagising ko the next day, parang mas full ‘yung heart ko, mas masaya, mas at peace, so happy naman.”
 Dahil nga hindi nasagot ni Julia kung may love life na ba siya ngayon, komento ni Melai ay ibigay na lang daw natin ito sa young actress.

Komento naman ni Jolina Magdangal, nakikita naman daw talaga na happy si Julia dahil sobrang blooming nito ngayon.

Inamin naman ni Julia na talagang at this point, gusto niyang sa kanya na muna ang kanyang personal life.

“Sa trabaho natin, very open book na tayo, eh Lahat ay alam na tungkol sa atin, eh. So, parang kahit sa mga oras lang na ‘to, ini-enjoy ko na akin lang ito, ako lang ‘yung nakakaalam nito. So, pinoproteksyunan ko pa siya, di ba?” she said.

Nang tanungin kung ano ang mga plano niya ngayon, biglang sagot ng young actress, “gusto ko nang magka-family.” Pero kaagad naman niyang sinundan ng “joke lang!”

At 23 ay gusto lang daw niyang mag-work lang nang mag-work para in the future, pag nag-decide daw siya na magkaroon na ng family ay ready na siya.
“So, work lang muna tayo this year.”

Natanong din ang young actress tungkol sa trending birthday post niya na free na siya and she explained na ang ibig niyang sabihin ay malaya na siya sa lahat.

“Siguro nanggagaling ako sa place na. . . alam naman natin lahat na bawat kibot, bawat kembot ko palagi may nasasabi ‘yung mga tao. So, I think now, I’m freeing myself, like what I said sa post ko nga na you know, I’m free to say whatever I wanna say, I’m free to feel whatever I wanna feel, I’m free to act upon anything and of course, most importantly, I am free to love anyone who I love and anyone who makes me happy,” she said.

Bong humirit na suspendihin ang mga bayarin

Sa gitna ng “community quarantine” na ipinatutupad ngayon sa Metro Manila, nagbigay ng panukala o suhestiyon si Sen. Bong Revilla sa gobyerno na sana ay sundan natin ang ginawa ng Italy na isinuspindi muna ang mga mortgage payments at bayarin ng mga mamamayan.

Ipinost ni Sen. Bong sa kanyang official Facebook account kahapon ang kanyang suhestiyon na ito kasabay ang panawagan sa Financial Managers na pag-aralan ang aksyong ito.

“The President’s declaration of a community quarantine for the whole NCR has brought serious concern to a vast number of our kababayans who work hard day in and day out to make payments that fall due.

“Habang malinaw sa deklarasyon ng pangulo na tuloy ang trabaho at wala dapat agam-agam sa pagkawala ng hanapbuhay, marami na ang tumitingin sa posibilidad na sundin dito sa atin ang halimbawa ng Italy sa pag suspend ng mortgage payments at ilang bayarin.

“For this reason, I ask our Financial Managers to study and look into this course of action so that if conditions worsen and the need arises, we could implement an emergency mechanism that would ease the burden of our kababayans with the least adverse impact on our finances, economy, and institutions.

“Mabuti nang maging handa at may malinaw at pinag-isipang plano kung sakaling dumating ang pangangailangan,” ang pahayag ni Sen. Bong.
Agree kami sa suhestiyong ito of course dahil malaking tulong ito sa mamamayan kung maisasa-aksyon talaga. Kahit isang buwan lang ito, still, malaking bagay pa rin.