Julia, James, Sam, Vice nasa listahan ng worst dressed

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Tradisyon na dito sa pitak ng diva that you love na ‘pag nagaganap ang biggest fashion event of the year, ang Star Magic Ball na ngayon ay ABS-CBN Ball, na kinukunsulta ko si BFF Albert Fontanilla at hihingi ang kanyang impressions tungkol sa mga dumalo sa ball.

Si Albert ay haute couture designer na Abu Dhabi based dati at ngayon ay may atelier na South of the Metropolis. Hindi na namin pinupuri pa ang mga best dressed dahil that is too boring na and bordering on the predictable. Lahat na sinusulat yun. Maiba naman ang mababasa niyo rito,

Ang bongga lang sa ABS-CBN Ball, talagang estrella event na ito na hindi lang pam-propaganda, kundi for a higher cause na ngayon taon. May charitable institutions na matutulungan.

In a way, yung charity angle eh parang nag-fee-feeling o nagpupumilit na maging so Anna Wintour’s MET Gala ang ball payanig na talaga namang pinag-uusapan sa four corners of Manila’s sosyal community.

Kaya, eto na, hindi na mapipigil pa ang worst dressed list ni Fontanilla, starting with Ngayon at Kailanman’s Julia Baretto, “JULIA got it WRONG!… She TRIED…. but FAILED. …. LESS DRESS, TOO MUCH SKIN. SHE DOESN’T HAVE TO LOOK “CHEAP” to be NOTICED!

Hanash pa ni Albert, “Para siyang nasiraan ng damit at bigla na lang bumili sa mall maka-attend lang. At ang cowl neck niya, eksaherada ang lalim!”

Si Yeng Constantino, “ ALWAYS…… ALWAYS…… A VICTIM! Consistent si YENG…. Every year… NAGPAPATAWA! ……. and WHY that bag?!!!!”

Dagdag kuda ni Fontanilla, “Parang sa little girls section na nakuha ang dress. Pa-ballerina, pa-tutu, pa-bagets na hindi nakakatuwa on her.”

Kay Liza Soberano, “LIZA WHO??? Hunt the hair stylist!…. He’s got to hide for a loooooong time for making the most beautiful girl…. bashing worthy!”

Paliwanag ni BFF, “Okay naman ang kanyang dress dahil it’s an A­lexander Mc Queen, ang off lang ang styling.”

Sa homage ni Nadine Lustre sa hooker phase ng katauhan ni Julia Roberts sa Pretty Woman, ang reaksyon ni Albert, “She looked like she just finished a porn movie and went straight to the red carpet. WHAT HAPPENED to this poor young girl?”

Ang hindi mapapatawad ni BFF, na para sa kanya ay worst of the night, ang suot ni Maricel Soriano, she did not shine like a Diamond Star kasi nga, “She looked wearing a garbage bag!”

Sa mga lalaki, ang umagaw sa pansin ni Fontanilla na pasok sa worst ay si Vice Ganda, “Masyadong na late si Vice para sa Met Gala Heavenly Bodies theme. She copied Madonna, obviously. Kaya lang, the place is just too small for that very long cape. Imagine how can you move around wearing that.”

Patuloy ni Albert, “SAM CON CEPCION….. it’s not obvious na baklang-baklang bakla ang nagbihis sayo!!! Tinalo mo pa ang Christmas presents, sa dami ng “RIBBONS”!!!! Lalaking lalaki ang look mo bro!”

At sina Dra. Vicky Belo at Hayden Kho.

Paliwanag ni BFF, “Walang problema kay Vicky. Si Hayden ang worst! Too shiny! Ill-fitted, very Kuya Germs, magagalit nga sa kanya si Mike Velarde!”

Ang worst na may tandang pandamdam, si James Reid na sa pakiwari ni Fontanilla ay, “Parang nakalimutang alisin ang harness.”

May question of national importance si Albert Fontanilla para sa ating lahat, dear Abante Tonite readers, “After the #AbsCbnBall2018….. iisa ang tanong…. KAILANGAN BA TALAGA NG MGA ARTISTA ang mga “STYLISTS” (whatever that word means) para magmukhang KATAWA-TAWA???”

Sino kaya ang makakasagot sa tanong na iyan? Agree or disagree ba kayo sa Worst Dressed list ngayong taon?