Julia-Joshua kakambal ang kiyemehan

Sinasabi ko na nga ba, isang malaking kakiyemehan, o kasinungalingan nga bang masasabi ang payanig nina Julia Barretto at Joshua na kesyo “hinahanap-hanap” at kahit paano parang may pagkasabik sila sa isa’t isa.

Ang that girl, may kiyeme pang ang pagkikita o pagsasama nilang muli is like being in a comfortable, safe and secure place, eh iba na agad ang ihip ng hangin, huh!

Marami ang nakapansin sa IG na matapos ang kambal kiyemehan nila sa press, hindi na sinusundan si Garcia sa IG. Ang isa pang hindi na niya rin sinusundan, eh si Janella Salvador.

Ano ang common denominator nina Joshua at Janella maliban sa parehong J ang beginning of their first names? Magkatambal ang dalawa sa malapit na ring magwakas sa ere, ang mystery drama na “The Killer Bride”.

Ang haka-haka at espekulasyon ng mga dalahira at katkatera, kaya biglang hindi na sumusunod sa mga IG posting nina Garcia at Salvador si that girl, ay nanalig nga ba ito na hindi na lang pang-telebisyon ang closeness ng magkapareha?

Na malaking isyu para sa dalaga ang posting ni Joshua para kay Janella na, “I am lucky to have a friend like you,” na binandera nito sa IG rin?

Bakit may ganoong kiyeme si that girl Julia eh tapos na naman with a tandang pandamdam ang tungkol sa kanila at alam nating lahat na may kiyeme silang matalik at malapit na magkaibigan na lamang? Wala na ang romansahan.

Siguro naman, kung maging malapit man sa isa’t isa sina Garcia at Salvador, masama ba? At kung maging magkasintahan ang dalawa, mas lalong may isyu ba? Baka naman gusto pang ipaalala ni that girl kung ano nga ba ang nangyari sa kanilang dalawa?

Ikaw rin, baka bigla na namang si Bea Alonzo may-“Enough!” na pagtili muli at si Gerald Anderson biglang magpakatotoo ng tungkol sa mahiwagang identical bracelets, huh!

Sa true lang, gusto ko na talagang manalig na si that girl, si Julia Barretto na talaga ang Millennial Prinsesa ng Kiyeme. Parang bagay na bagay naman sa kanya, hindi ba naman?

Lea, Dingdong, Kim dasal ang hiling sa Bulkang Taal

Ang Inang Kalikasan talaga, alam na alam niya kung paano niya gustong magparamdam. Mas lalong alam niya kung paano niya gustong pagalingin ang kanyang sarili.

Hindi makakaila na ang biglang pag-aalburoto ng Bulkang Taal ay great equalizer para sa lahat. Mayaman o mahirap, girl, boy, bakla, tomboy, nanay, tatay, ate, kuya, bunso, pati na rin si Bantay. Kapamilya, Kapuso, o Kapatid, lahat nababagabag dahil sa pag-aalburoto nito.

Lahat apektado ng mga abo, buhangin at maliliit na batong dinadala ng hangin na lahat ay tinatamaan. Amoy asupre ang paligid. Masakit sa mata ang hangin. Walang ligtas. Walang hindi kasali.

Sa social media, pangmalakasan ang panawagan na lahat tayo ay dasalin ang Oratio Imperata, ang panalangin para labanan ang mga kalamidad.

Maraming mga artista rin ang nababahala dahil sa pagputok ng bulkan. Inihahayag ko ang kanilang panalangin, pag-aalala at nasa na makatulong sa mga taong pinakadirektang apektado nito.

Sina Piolo Pascual, Dingdong Dantes, Lea Salonga, Anne Curtis, Vice Ganda, Ai Ai delas Alas, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Julie Anne San Jose, Kylie Verzosa, Jennica Garcia-Uytingco, Frankie Pangilinan, Mikee Cojuangco-Jaworski, Bianca Gonzalez at iba pa ay kasama natin sa pagdarasal na ang Inang Kalikasan eh pakalmahin na ang nagngagalit na Bulkang Taal para huwag na itong mas lalo pang makapaghasik ng kaguluhan, paghihirap, trahedya at pinsala.

James, Nadine tuloy ang ligaya

Habang nag-aalburuto ang Bulkang Taal, ang hindi pa naman pala tinutuldukan ang kanilang relasyon, sina James Reid at Nadine Lustre, tuloy-tuloy pa rin ang ligaya.

Ang magsing-irog, tuloy ang pagpapakasasa sa kanilang kaligayahan sa Brazil. Itsurang honeymooners sa Rio de Janeiro ang magdyowang kinuryente ang lahat.

Hindi naman kaya bilang mag-“best friends” na lamang ang kanilang trip sa Brazil na ito? Friends with fringe benefits o talagang ang dalawa, employed a “gimmick”?

Anyway, huwag na nating pakialaman pa sina James at Nadine sa kanilang pagmamahalang tila walang kapantay. Kung saan sila patutungo, sa kasalan, buntisan o kung saan pa man, hayaan na lang natin, huwag na patulan pa ang that boy and the other that girl.