Sumuporta sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa bagong pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Aminado si Julia na kinilig siya sa tambalan ng LizQuen.

“Nag-kiss na sila, finally,” sambit ni Julia na kinikilig.

First time na mapanood ni Julia sa mature roles ang LizQuen na meron silang kissing scenes.

Sa kaso ni Julia, nakagawa na rin siya ng kissing scenes pero hanggang smack pa lang ito.