Julia, Loisa nagkaayos sa text

Nilinaw ni Loisa Andalio na okay na sila ngayon ni Julia Barretto matapos ang Twitter controversy na “ang kay Julia ay kay Julia” last April.

Ayon kay Loisa sa pana­yam niya sa Tonight With Boy Abunda, si Julia ang unang nag-text sa kanya that time asking kung pwede siya tawagan para magpaliwanag sa mga tweet ng fans.

“Una tumawag po siya, medyo late na po yun kaya hindi ko na nabasa. Tapos sinabi niya na, ‘Hi Loisa. This is Julia’ ganyan. Sabi niya, ‘Can I call you?’” kuwento ni Loisa.

Tinanong daw niya si Julia kung bakit at sumagot daw naman ang young actress na gusto lang nitong mag-explain.
“Sabi niya gusto lang daw niyang i-explain ‘yung mga tweet na hindi daw po yun para sa akin. Sabi ko naman po sa kanya na okay lang ‘yun sa akin wala ‘yun. Kasi hindi ko rin naman inisip na para sa akin ‘yun. ‘Yung tsinek ko nakita ko lang na may nagta-tag lang sa akin.”

Hindi na raw sila nagkausap sa telepono dahil may trabaho siya kaya nag-text-an na lang sila at na­ging maayos naman daw ang pagtatapos ng text conversation nila.

“Sinabi rin namin na ‘wag kaming magpapaapekto sa mga fans kasi kami, Tito Boy, sobrang okay po talaga kami na ‘pag nagkikita po kami nagbabatian kami,” sey ni Loisa.

Siya naman daw ay hindi niya talaga kinukunsinti ang fans sa pakikipag-away sa socmed at lagi niyang sina­sabihan ang mga ito na dapat ay laging good vibes lang and be sensitive with their tweets dahil nga may mga tao na naaapektuhan.