Julia, mas bagay kay Ronnie Alonte

Julia Barreto

HAVEY: Ang ­pelikulang Vince & Kath & James ng Star Cinema na yata ang ­pinakaliyamado na sigurong entry in terms of promotions and ­publicity dahil galing ito sa major studio.

Nakakabagets ito at ginamit ang bisa ng teknolohiya at social ­media para ipakita ang kakaibang paraan ng pagpapahayag at pakiki­pagrelasyon ng mga ­kabataan.

Kapag napanood mo ang pelikulang ito, masasabi mong nakahanap na ng bagong leading man si Julia Barretto.

Si Joshua Garcia ng PBB na totoo namang looker ay perfect foil sa sosyaling si Julia.
Masang-masa at alam mong nagkukumahog sa Ingles, pero may charm ang batang ito.

Sana,Nipagpatuloy ang build up kina Julia at Joshua, ngunit mukhang sa totoong buhay ay baka si Ronnie Alonte (ng Hashtags) ang mas makakapalagayan ng loob ni Julia.

May taglay itong ­angas at karakter na ­kulang kay Joshua.

Napakaswerte ni Ronnie dahil kahit baguhan pa lang siya at gumugulong pa ang letter R sa kanyang pananalita ay markado siya sa darating na filmfest.

Iba rin ang ibinigay ni Ronnie sa natatanging horror film ng MMFF na Seklusyon.

***

WALEY: Subject sa mainit na diskusyon sa MMFF kung itutuloy ang taunang Parade of Stars.

Tradisyon at kadalasan nang pinagkukunan ng aliw ang floats na nagtataglay ng mga ­artista, pero hindi star value at star system ang gustong pairalin ng bagong MMFF.

Baka magkaroon pa rin ng parada pero aaralin ang posibilidad na magsama-sama na ang lahat ng entries papunta sa ibino-­volunteer ng Ama ng MMFF na si Mayor Erap Estrada na sa Plaza Miranda kung saan puwedeng magkaroon ng mga Miting de Avance ng mga lalahok na pelikula at isang show/concert para sa mga manonood at tagasuporta ng pelikulang Pilipino.

Kinukuha pa ang opinyon ng producers at iba pang stakeholders as this plan of having the ­traditional floats would mean quite a big marketing cost sa producers ng pelikula.

All the inputs are worth hearing out bago desisyunan ng Execom sa Biyernes kung itutuloy o hindi ang parada.

May MMFF Countdown Event na gaganapin sa SM North EDSA Skydome sa Sabado, December 3.

May nagsabi na ‘yung perang gagastusin sa parada ay puwede nang ilaan sa block screening at iba pang marketing efforts.

Ano sa tingin ninyo?