Julia pinagtawanan sa ‘Darna’ audition

Matapos ang pag-withdraw ni Liza Sobe-rano sa role bilang Darna, binuksan ng Star Cinema ang role para sa lahat.

Kabilang sa nag-audition ang aktres na si Julia Barretto.

Aniya, “Actually pumunta ako sa audition ng Darna , sa office. May mga nakapila nga eh, actually inunahan ko na, eh. Pumasok na nga lang ako. Sabi ko ‘minsan na nga lang ‘to, bahala na’.”

Natawa na lang ang aktres dahil hindi umano siya sineryoso ng mga panel. Pabiro niya, “Maghuhubad na po ba ako? “Kasi ready na po ako eh’.

So umiikot ikot ako dun, gumaganun-ganun, tinawanan nila ako. Baka ayaw nila.”

Marami naman ang naaliw sa kuwento ni Julia. May mga nagsasabi na maganda siya at magaling na aktres subalit hindi fit sa kaniya ang role dahil sa pagiging mahinhin na dating nito. (Ronaline Avecilla)