MULA sa mga diwata at sirena, tila wala silang masyadong pananalig na ang Julian Trono at Ella Cruz love team ay lalapit man lang sa kasikatan nina James Reid at Nadine Lustre.
Para sa members of the Rosas Pandan Community, kahit push kete push ang kanilang production outfit, ang TronoCruz teamup ay “you’re nothing but a second-rate, trying-hard, copycat” ng JaDine.
Of course, hindi papayag ang kanilang supporters at faneys sa taguring ito.
‘Pag ipinalabas na ang pelikula nilang Fangirl Fanboy sa Setyembre, magkakaalaman na ang totoo.
Ang nais malaman of my kumareng ultra maldita, eh kung GIFTED ba si Julian.
Kasi, maganda ang height nito. Dancer. Kaya ang katawang panromansa, panalo ang hulma.
Gusto na niyang kurutin sa singit si Ella dahil kayswerte-swerte raw nito at si Julian ang kapareha.
Wala akong alam kung sino ang makakapagsabi kung tunay na dakila ang binata.
Ang importante, hindi pa inuuto nina Julian at Ella ang kanilang supporters.
Loveteam sila for reel at parang matatagalan pa, o baka hindi man lang mangyari na maging for real.
Kung hindi magkakalapit ang kanilang mga puso, mas mainam for them.

‘Yun ang magiging big difference nila sa JaDine. Professional, trabaho lang at walang personalan.
‘Pag mapapangatawanan nilang trabaho lang sila palagi, walang chikang LIVE IN, at lalong walang kuwentong BUNTISAN at kung anu-ano pa na nakaka-turn off sa mga wholesome mind set at preference of brands and products.
***
Sa personal ay matikas, makisig, matangkad at iba ang dating ni Arman Ferrer.
Bilang Julio Madiaga sa Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag The Musical ni Direk Joel Lamangan. inamin ni Arman, “Hindi madali ang role. I feel lucky, honored and sobrang challenged to play a role that Sir Bembol Roco made iconic.”
Kiwento pa nito, “Matataas ang mga kanta, grabe ang choreography sa mga dances and I want kasi Julio to be as real as possible.
“Pinanood ko ang movie. I am reading the novel now, at talagang paulit-ulit kong binasa ang script nito.
“Sure ako na people will love it, especially the songs. Kasi, soaring siya at talagang you cannot help but feel all sorts of emotions when you hear them.”
Tanong ni kumareng Tsinita Doll, “Siya na ba ang bagong Sandino Martin?”
Ay, hindi! Sandino Martin is Sandino Martin. Arman Ferrer is Arman Ferrer.
Magkaiba ang dalawang lalaki, sis.