NAPILITAN ang Julianella loveteam ng Viva Films na sina Julian Trono at Ella Cruz na magsalita sa nararamdaman nila sa isa’t isa.

Ayaw sana nilang mas­yadong pag-usapan ito dahil ayaw nilang isipin ng mga tao na ginagamit nila ito sa promo ng pelikula nilang FanGirl/FanBoy na magsu-showing na sa September 6.

Sa pakikipagtsikahan namin sa dalawa, halatang iniiwasan ni Julian na ungkatin kung ano ang namamagitan sa kanila ni Ella.

Hindi pa raw talaga nagkadebelopan, pero maganda ang friendship nila na posibleng matuloy sa seryosong relasyon.

Unang tinanong namin si Ella kung unti-unti na ba siyang napu-fall kay Julian.
“Pag mapu-fall, nasisira eh,” matipid na sagot ni Ella.

Sabi ni Julian, mas okay ngayon na ini-enjoy muna nila ang friendship na nabuo nilang dalawa.

Dagdag niyang pahayag, “Ayaw naman namin madala dahil sa nararamdaman o opinyon ng iba, I mean, mahal namin ang mga supporters, mga growing supporters namin.

“Ngayon kasi, gusto namin enjoyin talaga. Sabi ko nga, ang sarap mag-jump into a relationship, ‘yung sige, unahin natin ‘yung nararamdaman natin.

“Kaya lang, then what? Sayang ‘yung mga opportunities na dara­ting eh.”

Kung Team Real ang iba kagaya nina James Reid at Nadine Lustre, sila ay Team No Label muna.

Pero habang pinipiga namin silang dalawa para masabi kung ano ang totoo, inamin na rin ni Julian na meron siyang nararamdaman kay Ella.

Ayaw nilang gamitin ito para lang sa kanilang loveteam.
Labas daw itong nararamdaman nila sa isa’t isa sa pinu-promote nilang pelikula.

Tinanong uli si Julian kung may love ba siyang nararamdaman kay Ella?
“Yes I am,” mabilis na sagot ni Julian.

“I have strong fee­lings with her, and having that strong feelings, you try to take good care of it.

“Ang dami lang po kasi eh, na ito naramdaman ko, eto ang naramdaman mo, sige tayo na.
Pero paano kung nag-fail?

Paano kung hindi pa time?” sabi pa niya.

Kaya ayaw nilang pi­litin. Kahit tapos na ang showing ng pelikula, sisiguraduhin nilang tuloy pa rin ang kanilang kumunikasyon sa isa’t isa at aalagaan ang magandang friendship.

Hindi raw para lang sa pelikula.

Masaya sina Julian at Ella sa kinalabasan ng FanGirl/FanBoy dahil nakuha raw nila ang look na may pagka-K Pop Drama.

Ang daming naba­baliw ngayon sa mga K Pop, kaya swak na swak itong pelikula nilang da­lawa.