MAAYOS at nanatiling magkaibigan daw sina Julian Trono at Kylie Padilla, at pati kay Aljur Abrenica.

Hindi naiwasang matanong kay Julian ang matagal na nilang isyu ni Kylie nang nakatsikahan namin ito sa presscon ng pelikula nila ni Ella Cruz na FanGirl FanBoy (Viva Films) na showing sa September 6.

Sabi ni Julian, okay sila ni Kylie. Binati pa niya ito pagkatapos ma­nganak dahil nakikita niyang masayang-masaya ang actress sa pagkakaroon nito ng anak kay Aljur.

Pahayag ni Julian, “Ang dami nga po nagulat, kasi nu’ng birthday niya, ‘yun yata ‘yung ­announcement niya.

“Nu’ng nalaman ng public, I was able to greet her on her birthday and at the same time, ‘yun ang sinasabi niya sa akin through text lang.”

Nanatiling magka­ibigan sila at masaya siya para kay Kylie na isa nang mommy kay Baby Alas.

“Na-keep ‘yun, eh. Recently lang kasi kapa­panganak niya lang, binati ko sila. Walang bad blood, eh, ‘yun nga ‘yung pinakamaganda du’n, eh.

“Blessing po ‘yun, eh. Labas na ‘yung mga kung anu-ano du’n. It’s a great blessing for her and her family.”

Nanatiling tahimik na lang daw siya sa mga isyu nila noon at tapos na ‘yun.

“Remain silent na lang po ako du’n sa mga situations and issues, para hindi na lang po… ayoko na lang du’n magpatung-patong, tapos, makakagulo pa.

“At least, everything is okay. Everyone is settled. I’m really really happy, genuinely happy.

“Sinasabi ko ‘yan, kasi, matagal nang gusto ni Kylie ‘yun, eh. I think ‘yun ‘yung blessing na matagal na niyang hinihintay,” seryosong paha­yag ni Julian.

Tapos na ang Kylie issue, at naka-focus siya sa lovetam nila ni Ella.