SA intimate launch ng kanyang bagong album na Chasing the Lights under GMA Records, naitsika ni Julie Anne San Jose na madalas silang mag-usap ni Benjamin Alves.
Aniya, mas nakikilala nila ang isa’t isa ngayon.
“We’re seeing each other and I get to know him more,” sabi ng Asia’s Pop Sweetheart.
“We have so many things in common: gaya ng pagiging malapit sa pamilya, mahilig sa pag-aaral at gustung-gusto ang magsulat.”
Ano ang ide-dedicate niyang kanta kay Benjamin?
“Naririnig Mo Ba,” mabilis na sagot ni Julie Anne, na may album tour ngayong Sunday sa Pavilion Mall ng Biñan, Laguna.
Ang Naririnig Mo Ba ang carrier single ng album ng dalaga.
***
Malaki ang nabago sa buhay ni Katrina Halili mula nang nagkaroon siya ng anak.
Mag-aapat na taon na ang kanyang unica hija na si Katie sa September.
“Ang saya pala! Masaya ang may baby!” nakangiting bulalas ni Katrina.
“Masarap sa pakiramdam. Kapag napapagod ako, makita ko lang siya eh nawawala na lahat ng pagod ko.
“At ngayon nga na apat na taon na siya, medyo makulit na.”
Tuwing nasa trabaho siya o may taping, madalas niyang tinatawagan si Katie para hindi ma-miss ang anak.
Kampante siya na nasa mabuting kalagayan ang anak kapag wala siya dahil kamag-anak niya ang nagbabantay sa bata kapag iniiwan niya sa bahay.
***
Ipapalabas na ang Korean drama na Descendants of the Sun simula bukas sa GMA Telebabad.

Love story ito ng magandang doctor na si Maxine Kang (Song Hye-kyo) at gwapong sundalo na si Lucas Yoo (Song Joong-ki).
Sa kanilang pagkikita ay magkakaroon agad ng spark sa pagitan nila subalit dahil sa kanilang mga tungkulin ay marami silang mae-experience na challenges.
Alin kaya ang mas matimbang… ang pag-ibig o ang kanilang mga tungkulin?
Matagal-tagal ding naghintay ang netizens na masilayan ang Tagalized version ng nasabing drama series na pumukaw sa mga manonood worldwide.
“Makaka-relate ang televiewers sa kuwento, lalo na ‘yung mga in love,” sabi ng isang editor ng Abante.

“Ang ganda ng pagkatimpla ng mga rekado. Nakakakilig, nakakatawa, nakakaiyak, nakaka-excite! Lahat na!”
Ang ilan pa sa Pinoy fans ng seryeng ito ay nagdarasal na sana ay bumisita ang mga bida nitong sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo sa Pilipinas.
***
Kapuso pa rin ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.
Pumirma siya ng bagong exclusive contract sa GMA kasama ang kanyang managers na sina Carlo Orosa at Stella Sison.
Ayon kay Christian, masaya siya sa pagtitiwala sa kanya ng GMA kaya nangangako siyang pagbubutihin pa niya ang kanyang craft.
“I’m very happy to be with great people, great family and a great support group,” sey ni Christian.
“The last three years have been amazing, expanding, and building my talent in acting and hosting. I’m proud to be Kapuso.”
Masaya siyang nakasama sa telefantasyang Encantadia.
“I’m so happy to be part of Encantadia now. I really had to do my best sa audition to fit the role,” lahad ni Christian.
“I want it talaga. There are more guests coming, more twists. The fact that a star from Game of Thrones is in Encantadia, that’s a big thing.”
***
Bukas (Lunes, Hulyo 25) ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Syempre pa, kabugan at pasiklaban ang GMA at ABS-CBN sa event na ito.
Du30: Unang SONA ang komprehensibong coverage ng GMA News, sa pangunguna nina Jessica Soho at Mike Enriquez.
Tampok dito ang mga masusing analysis at special report, at updates sa mga pangyayari mula sa Commonwealth Avenue at sa iba pang panig ng bansa habang nagaganap ang SONA sa Kongreso.
Mapapanood sa primetime newscast na 24 Oras ang highlights ng SONA ni Pres. Duterte, kasama na ang mga balita sa loob at labas ng Kongreso.
***
Pangako ng Pagbabago: SONA 2016 ang Kapamilya coverage sa unang SONA ni DU30.
Pangungunahan ito nina Ted Failon at Lynda Jumilla simula 3:20 PM sa ABS-CBN.
Sa ANC, mag uumpisa nang 5:30 AM sa Mornings@ANC ang kanilang special programming kung saan makakasama ang ilan sa mga kasalukyan at nakaraang opisyales ng gobyerno.
Susundan ito ng Headstart (8:00 AM) ni Karen Davila, Market Edge (9:00 AM) ni Cathy Yang, at News Now (10:00 AM) ni Nancy Irland.
Ang pre-SONA special sa ANC ay magsisimula nang 1:00 PM, tampok sina Davila at Yang.
Sina Tony Velasquez at Karmina Constantino ang uupo para sa SONA coverage proper, kasama ang kanilang mga panauhin na sina Teddy Locsin, Jr. at Prof. Prospero de Vera.
feelingera talaga tong babaeng mangga na si julie anne san jose… wahahaha una si alden ngaun si Benjamin sige ikaw nang assumera