Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo
Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

HAVEY: Ginulat na lang tayo sa post ni Ryan Agoncillo nang buhatin niya ang asawang si Judy Ann Santos papasok ng isang bahay sa Las Vegas, Nevada.

Nakasabay nina Ryan at Juday ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas sa pag-alis.

Aside from a briefing sa kanyang bagong season ng Cash Cab, isinabay na rin nina Juday at Ryan ang panonood ng concert ng Dave Matthews Band.

“Excited for Baby #4” ang sabi ni Gladys sa kanyang Instagram post na kasama ang mag-asawang Ryan at Juday.

‘Yun pala, ang bagong baby nila o project ay isang bahay na maayos na.

Kailangan nating tanungin ang mag-asawa sa kanilang pagbabalik kung kinuha o binili na ba nila ito, at gaano ito kalaki?

Sa Las Vegas na ba sila titira o option lang nila ito kung sakali?

Ang alam ko, itong Vegas property ay sobrang mura na kinonsider nilang kunin kaya ipinagpaliban muna nila ang pagbili ng property sa New Zealand.

Noong isang taon, tuwing magkakaroon ng break sa schedule ni Ryan, lumilipad ito papuntang Vegas para ayusin ang bahay. Ngayong handa na, ipinakita na niya sa kanyang maybahay na si Juday ang puwede nilang tirahan kapag nasa US sila.

Marami ang kinilig sa surprise na ito at reward ng mag-asawa sa kanilang sarili at sa itinataguyod na pamilya na resulta ng kanilang pagod at pagtatrabaho.

Kaya asahan nating doble kayod ang mag-asawa sa kanilang pagbalik. Para sa ekonomiya!

***

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

WALEY: Nag-story conference kahapon ang bagong teledrama sa hapon ng GMA na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Noong 1987, title ito ng pelikulang pinagbidahan nina Maricel Soriano, Lorna Tolentino at Gabby Concepcion kasama sina Eddie Garcia, Elvis Gutierrez, Carmina Villaroel at Ro­bert Ortega with Flora Gasser, Cris Vertido, Domingo Landicho, Noel Colet at iba pa.

Ngayong 2016, iikot ang bagong bersyon kasama si Julie Anne San Jose at ang napapabalitang boyfriend niya na si Benjamin Alves, at mga premyadong aktor na sina LJ Reyes, Martin del Rosario, Jean Garcia, Ara Mina at Victor Neri.

Benjamin Alvez
Benjamin Alvez

Sa wakas ba ay nahanap na kaya ni Julie Anne San Jose ang kanyang ka love team kay Benj Alves o susubukan din si Martin del Rosario o magri-rigodon din sila?

Sana, sumulong ang show na ito at hindi pulutin sa lupa ang ratings!

Grabe ang peg nila riyan, ha!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

2 Responses

  1. hahaha!! wla k talgan kwenta Mr. Ferrer….naglaan k ng mabubulak mong write up para s bagong shows ng GMA pero s huling pag kakaalam ko yung alaga mo nasa lupa n ang career mula nang lumipat s brand x….alam ko wala k nmn ilalagay n magandang write up s GMA kaya kung ako syo shut up k nlng sabi nga ni Daneil Nyeye Padilla hahahahaha!!!!