MUKHANG hindi mahihirapan si Julie Anne San Jose na gampanan ang kanyang role na Santina Marquez sa sa GMA afternoon series na Pinulot Ka Lang sa Lupa.
Marami siyang nahahanap na common denominator sa kanilang pagkatao.
Kwento ng Asia’s Pop Sweetheart, “I find myself like her. Si Santina kasi is like a rose, sobrang fragile niya at the same time, maprinsipyo siyang tao, tapos, palaban siya.
“Kapag natatapakan ang mga mahal niya sa buhay, talagang ipaglalaban niya. Palagi rin siyang masayahin at sobrang positive ng aura niya.”
***
Showdown to the highest level ang dalawang biritera sa #LIKE Tagisan ng Internet Sensations bukas (Sabado), pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA 7.
Sumikat si Kristine Claire Cruz matapos ma-video na umaawit ng Chandelier, samantalang sumikat si Sacha Yen sa pagkanta niya ng Let It Go.
Habang nakasabit sa crane, ibibirit ng dalawa ang Narito Ako ni Regine Velasquez.
***
Tampok sa ASAPinoy sa Linggo si Ogie Alcasid.
Tribute ito sa kanyang musika at pagiging lider sa OPM.
Promo na rin sa repeat ng kanyang successful birthday concert na Ayokong Tumanda.
Congratulations, Ogie!
Ano na nga pala kaya ang update sa status ng kontrata niya sa TV5?