Julie Anne, ipinagdamot ni Benjamin

julie-anne-benjamin
benjamin-julie-ann
Benjamin at Julie Anne

NILALANGGAM na naman ang Instagram sa ka-sweet-an nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose.

Nag-post ang dalaga ng video tungkol sa isang console na kanyang nilalaro na agad iniwanan ng komento ng Kapuso actor saying na gusto rin niya ng isa.

Sabi naman ng singer, pwede iyon for two players.
Hirit ni Ben, ayaw niya nang may ka-share.

Hanggang sa nauwi ito sa sinabi ni Ben kay Julie Anne na, “Ayoko akin ka lang.”
Agad itong kinakiligan ng kanilang fans.

Hindi sa internet lang magpapakilig ang dalawa dahil bibida sila sa Afternoon Prime show na Pinulot Ka Lang sa Lupa kasama sina LJ Reyes at Martin del Rosario.