SA Sabado na ang #Julie concert ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa Music Museum. Sobrang dami raw niyang kakantahin at para kay Julie, ang kaibahan ng concert niya ngayon ay mas intimate at mas mature.
Natawa ito nang tanungin namin kung bakit niya nasabing mas mature. Mature raw in-terms of her songs choices and her emotion.
Aminado rin siya na ngayon, mas nakakapag-express na siya about love and relationship.
Pilit pinaaamin si Julie sa presscon ng concert niya kung ano na nga ba talaga ang real score sa kanila ng Kapuso actor na si Benjamin Alves. Consistent siya sa sagot na, “Hindi naman po kami nagde-deny. It’s what you see, what you get po.”
Tumango na lang siya nung tanungin na magdyowa na sila. At say pa rin, aprub sa parents niya si Benjamin.
Kuwento pa rin ni Julie madalas namang dumalaw si Benj sa bahay nila at nakaka-bonding nito ang parents niya. Pero, hindi raw ito nakikitulog.
Parang pa pre-Valentine’s concert na rin ni Julie Anne ang #Julie lalo na sa mga fans niya. As per her personal valentine’s plan, wala pa raw silang napag-uusapang plano ngayong Valentine’s day, baka raw magsimula pa lang silang mag-plan after ng concert niya.
Busy si Julie ngayon more on her music. Nagpalit siya ng label at nasa Universal na siya at nag-release na ng first single sa ginagawang album, ang Nothing Left.
Miguel may pasabog na surpresa sa debut ni Bianca
SECRET ang natatawang sagot ni Miguel Tanfelix kahit anong pilit namin sa kanya sa kung ano ang plano o gimmick niya sa debut ng ka-loveteam na si Bianca Umali ngayong March. Hindi niya talaga ni-reveal dahil secret daw talaga.
Mukhang masaya sina Miguel at Bianca siyempre dahil patuloy nga sa pagtaas ang ratings ng kanilang primetime series na Kambal, Karibal.
Ayon kay Miguel, “Masaya po dahil kasi naa-appreciate ng viewers ang effort na ginagawa namin. And siyempre hoping ako na patuloy nilang suportahan ang Kambal, Karibal.
“Talagang nagpapakapagod po kami para mabigyan sila ng inspirational na story gabi-gabi.”
Natutuwa raw siya dahil nakikita ng mga manonood ang kakaibang ino-offer ng kanilang primetime series na drama na may halong horror at love story.