Julie Anne keber na unang naka-move on si Benjamin

Magwa-one year na palang break si Julie Anne San Jose sa last boyfriend niyang si Benjamin Alves.

Hirit namin kay Julie Anne, anong feeling niya na naunahan na siyang mag-move on ni Benjamin (na mukhang masaya na ngayon sa model na si Chelsea Robato)?

“Wala naman po sa akin ‘yon. Wala naman sa aking paunahan. Basta ang focus ko lang ngayon, eh ang sarili ko. ‘Yun lang talaga.

“And you know, if they’re happy, if he’s happy, then wala na po ako doon,” bulalas ng 25-anyos na Kapuso singer-actress.

Mukhang happy na nga si Ben. Eh siya, happy ba?

“I’m happy. Not because I have to be with someone or I have to be in a relationship. I’m happy because I’m a happy girl. I have my friends, I have my family and I have God.”

Friends ba sila ni Ben?

“Ahmm, no,” diretsong sagot sa amin ni Julie Anne.

Aniya, may time na nagkasalubong sila casually, pero wala raw ‘yung talagang close encounter.

May regrets ba siya na minahal niya si Benjamin?

Napangiti si Julie Anne. May sinulat daw siyang kanta na ang dating ay may regrets siya, pero sa totoong buhay eh wala naman daw siyang regrets.

Hindi pa raw siya nakikipag-date pero sey niya, “I’m open. But I’m not looking.”

Wala raw kasing time, pero nakikipag-hang out daw si Julie with friends. Hindi niya raw hinahanap ang love life dahil ‘pag binigay ‘yon ni Lord ay ‘yun na ‘yon.

“May mga nagpaparamdam, but I just wanna focus muna sa sarili ko. Importante kasi ‘pag nasa relationship, kailangan buo ka. Ang hirap kasi nang may karelasyon ka, pero hindi ka buo.”

Hindi pa ba siya buo? Winasak ba siya ng huli niyang karelasyon?

“Hindi. Buo, buo siyempre. But I still have a lot to work on with myself. Basta, marami pa po akong kailangang trabahuhin sa sarili ko.”

‘Yung totoo, feeling ba niya ay nagamit siya sa huling relasyon niya?

“I don’t want to think that way because if ganu’n po kasi ‘yung mindset ko, ibig sabihin may regrets na nga ako.

“But you know, I don’t regret anything. Walang regrets po talaga, just lessons learned,” nakangiting pakli ng dalaga.

Ani Julie, deserved niyang maging happy. Ang importante raw talaga ay may respeto sa kanya, sa pamilya niya at mahal siya talaga nu’ng magiging boyfriend niya.

May pagkakataon ba na feeling niya, hindi siya nirespeto ng last boyfie niya?

“Bakit naman po ganu’n ‘yung mga tanong? Ha! Ha! Ha! Wala naman. Kung may mga nangyari naman po before, sa akin na lang din po ‘yon,” napapangiting iwas ng Kapuso star.

Excited si Julie Anne dahil first time niyang maghu-host ng musical competition show.

Kasama niya si Rayver Cruz bilang host ng “The Clash” Season 2 at journey hosts naman sina Ken Chan at Rita Daniela.

Happy si Julie Anne sa show dahil nabibigyan nito ng chance ang new and aspiring singers. Nakaka-relate sila ni Rita sa contestants dahil pareho silang produkto ng singing competition.

‘Lola Igna’ 2019 best picture?

Gustong-gusto namin ang PPP 2019 entry na “Lola Igna” na tampok ang 82-year-old veteran actress na si Ms. Angie Ferro.

Sa tagal ng batikang aktres sa showbiz ay ngayon lang siya nagbida sa pelikula at napakahusay niya sa obra na ito ni Direk Eduardo Roy Jr. na tungkol sa pinakamatandang lola sa Pilipinas.

So far, itong “Lola Igna” ang #1 sa list namin ng Best Picture this year at wish naming maka-grand slam Best Actress si Ms. Ferro next year para sa role of a lifetime na ito.

Natuwa kaming extended pa for another week ang 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino at may chance pang mahabol sa mga sinehan ‘yung mga hindi pa namin napapanood!