Julie Anne nakakapaso ang alindog

tonite-this-is-it-roldan-castroMaraming kalalakihan ang nadadarang dahil muling nagpasilip ng kaseksihan si Julie Anne San Jose. Suwabe ang kanyang katawan. Lalo siyang nagbibigay ng init ngayong summer. Nakakapaso ang alindog!

Dapat daw ay gumawa na ng proyekto si Julie Anne na nagpapakita ng konting laman at matured ang role.

Anyway, may ba­gong kanta si Julie entitled “Regrets.” Ito ang second­ release niya nga­yong 2019 pagkatapos ng collaboration nila ni Gloc 9 sa “Maleta.”
***

Alex ‘di mukhang pera – Arnell

Nais lina­win ni Alex Gon­zaga ang kumakalat na balita na binayaran siya umano ng malaking halaga para i-endorso ang Juan Movement Party-list na tumatakbo sa darating na May elections.

Nakakalungkot umano na paratangan siya nang walang basehan dahil mula’t sapul ay miyembro siya ng grupo bago pa man ito tumakbo bilang party-list. Naging malapit si Alex kina Jhun Llave, Nico Valencia at Mark Boado na pawang mga nominees ng JMP.

“Hindi ba puwedeng tumulong nang kusa dahil iisa ang gusto naming lahat sa grupo at ito ay mapagbuti pa ang bansa natin?” sambit ni Alex. “Nakakaloka nga na pati picture ko ginawan ng issue. Picture lang ‘yun, ipagdadamot ko pa, ano ba? Nakakaloka.”

Sobrang passionate ni Alex sa pangangampanya sa grupo dahil bilib na bilib siya sa advocacies at mga ipinaglalaban nito lalo na ang ibayong pagmamahal sa bayan at ang pagbibigay-halaga sa pamilyang Pilipino.

Katuwang ni Alex si Arnell Ignacio sa pangangampanya para sa JMP na naniniwala rin sa mga isinusulong ng partido. Mi­yembro rin si Arnell ng grupo kaya dinipensahan ng host/comedian ang aktres. “Foul naman na palaba­sing mukhang pera si Alex,” bungad niya. “Eh ‘di sana paratangan din akong mukhang pera. Alam ko na malinis ang konsiyensya namin ni Alex at gusto lang naming­ dalawa na mapabuti ang Pilipinas,” dagdag pa ni Arnell.
***

Gina Pareño may tip sa ultimate Dalagang Pilipina

Magbibigay ng tips si Gina Pareño sa tunay na Da­lagang Pilipina para sa mga millennials ngayong umaga sa “Sarap, Di Ba?”

Guest siya nina Carmina Villarroel at ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Makikigulo rin sa show sina Mike Tan at Boobsie.

Magpapatikim si Mike ng special crispy bistek flake rice topping meal.
Tutukan ito sa GMA-7 bago mag-“Eat Bulaga.”