LONG LIVE OPM! Patok ang OPM sa millennials.

Maraming fans ang natuwa nang i-cover ni Julie Anne San Jose ang kantang Sila ng bandang Sud sa GMA Playlist.

Mas marami ang nagdiwang nang pansinin ng banda ang version ng Kapuso star.

Napabilib ni Julie Anne ang Sud at nagpasalamat ang banda sa magandang rendition niya.

Bukod sa malamig na boses ni Julie Anne ay sinamahan niya iyon ng pagtugtog ng ukelele kaya maraming napabilib sa kanya.

***

Kung sa Mulawin vs Ravena ay nagbalik ang karakter ni Glaiza de Castro bilang Pirena, panibagong hamon ang kahaharapin ng Kapuso actress sa kanyang natatanging pagganap sa episode ng Daig Kayo ng Lola Ko ngayong Linggo.

Abangan ang kuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) patungkol kay Red Mildred (Glaiza).

Anu-ano kayang pagsubok ang haharapin ni Red Mildred? Malagpasan kaya niya ang masamang plano sa kanya ng Big Bad Wolf?

Anong aral kaya ang nais ipahatid ng kwentong ito?

Tutok lang ngayong Linggo sa Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng Hay, Bahay sa GMA 7.