Julie Anne totga kina Alden, Benjamin

Lumalaban si Julie Anne San Jose ngayong papalapit na ang tag-init sa ‘Pinas.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang malaking potensyal ni Julie Anne na umabante sa karera ng mga bikini bodies. Lumarga nang milya-milya sa mga bubot na mga Dyosa.

Hindi lang ganda ng mukha meron ang dalaga kundi maganda rin ang tayo ng kanyang butt.

Bukod dito, makinis ang kanyang balat. Mamula-mula na animo’y pinagsamang kutis ng mansanas at makopa. Hanep din ang kurba ng katawan.

Nabulabog talaga ang buong komunidad sa pagbibikini niya.

Ang pagpapa-sexy kaya ni Julie Anne ay pagrerebelde sa sunod-sunod na kabiguan niya sa pag-ibig?

Una, ang pagkaka-link niya kay Elmo Magalona na humantong sa pagkakabuwag ng loveteam nila.

Pangalawa, ang hiwalayan nila ni Alden Richards. Kahit hindi nagkaroon ng linaw dito, pinaniniwalaan pa ring nagkaroon ng romantic understanding ang dala­wa.

Pangatlo, ay ang pag-iibigan nila ni Benjamin Alves na nauwi rin sa hiwalayan.

Dito, sinasabing nagsimulang lumabas ang rebellious side ni Julie Anne. Ipinaramdam niya sa mga lalakeng minahal niya ang panghihinayang sa pinakawalan nila.

Ito ang isa sa pinakamagandang desisyong ginawa ni Julie Anne sa kanyang showbiz career. ‘Yung i-elevate ang kanyang imahe at suma­bay sa agos ng millennial. (Rey Pumaloy)