June Mar, CJ, C-Stand gitgitan sa BPC race

Matindi ang bakbakan sa individual plum ng PBA Governors Cup.

Walang player mula sa finalist ng Ginebra at Meralco ang nasa top five ng stats sa karera ng Best Player of the Conference.

Gitgitan sa BPC derby sina June Mar Fajardo ng San Miguel, rookie CJ Perez ng Columbian Dyip, Christian Standhardinger ng NorthPort, Kiefer Ravena ng NLEX at Jayson Castro ng TNT.

Stats-wise, naglalaro sa labas ng magic five sina Stanley Pringle (30.8 stats points), Japeth Aguilar (29.9) at LA Tenorio (28.0) ng Ginebra, RR Pogoy (30.4) ng KaTropa at Chris Newsome (29.8) ng Bolts.

Manipis na naungusan ni Fajardo (average 38.8 stats points)) si Perez (37.2) na ‘di naglubay sa kabuuan ng kanyang rookie season. Bumubuntot sina Standhardinger (35.1), Ravena (34.5) at Castro (31.6).

Si Perez ang nauuna sa scoring­ (23.2) at steals (2.5) sa Governors Cup.

Nabitbit nina Standhardinger at Castro ang kani-kanilang teams hanggang semis, maangas na nakabalik si Ravena mula 18-month FIBA suspension.

Nangolekta si Fajardo ng averages na 19.3 poits, 14.0 rebounds, 1.8 assists at 1.2 blocks para paypayan ang tsansa sa pangalawa niyang BPC plum ngayong season tapos sikwatin ang all-Filipino.

Ang winner ng Commissioner’s­ Cup BPC na si Castro ay nakapagsumite ng 14.9 makers, 4.4 boards, 5.9 dimes at 1.7 swats.

Kabuhol ni Tenorio sa 10th si Ian Sangalang (28.0) ng Magnolia, sunod sina rookie Bobby Ray Parks (27.5) ng TNT, Raymond Almazan (27.4) ng Meralco, Troy Rosario (27.0) ng TNT at Matthew Wright (26.8) ng Phoenix. (Vladi Eduarte)