Mga laro ngayon (Cagayan de Oro)
7:00 p.m. — Shooting Stars
7:30 p.m. — Mindanao All Stars vs. Gilas

Balik sa kanilang pinag-ugatan sina Carlo Lastimosa,­ Jio Jalalon at Glenn Khobuntin, sa kanilang home­coming ay bahagi na ng Mindanao All Stars na ­bibinyag sa Gilas Pilipinas sa kickoff ng three-leg 2017 PBA All-Star series sa Xavier University gym sa ­Cagayan de Oro.

Atat nang magpasiklab ang tatlo sa harap ng CDO fans sa event na inisponsoran ng HMR Trading, Mueller, Peak, Crystal Clear, Anako, Davco, Smart, Buffalo Resto Grill, Cloudfone at Petron.

Pangunahing tinik sa lalamunan ng Mindanao All Stars si June Mar Fajardo, ang big man ng Gilas, na naghahanda sa pagsabak sa SEABA Championship sa May 12-18 sa Smart Araneta Coliseum.

“Skills-wise, kayang tumapat ng team dahil pare-pareho namang PBA players ‘yan,” esplika ni PBA Mindanao All Stars coach Chito Victolero. “Kaya lang, may June Mar Fajardo sila and they’ve been training together. We’re just about to gather for ­practice.”

Ang iba pa sa team ni Victolero ay sina Cyrus ­Baguio, Marc Barroca, Scottie Thompson, PJ ­Simon, Rafi Reavis, Sonny Thoss, Baser Amer, Moala ­Tautuaa at Troy Rosario.

Bubuo sa Gilas sina Fajardo, Terrence Romeo, LA Revilla, Mike Tolomia, RR Pogoy, Matthew Wright, Kevin Ferrer, Carl Bryan Cruz, Alfonso Gotladera at Bradwyn Guinto.

Bago ang bakbakan ay papagitna muna sina Khobuntin, Jalalon at Baguio sa Shooting Stars event