Pinadyak ni Marc Ryan Mendoza ang junior’s category ng Philcycling Go for Gold National Trials kamakalawa ng hapon sa Batangas.

Inungusan ni 17 year at anak ni da­ting SEA Games Dua­thlon champion Ryan Bad Boy Mendoza si 7Eleven Road Bike Philippine bet Efren Reyes, nakalamang ng kalahating gulong sa 80-kilometer race na nagsimula at nagtapos sa Barangay Binubusan Lian, Batangas.

Bakbakan sina Mendoza at Reyes habang papalapit sa finish line at sa huling 10 metro ay nagsimula na silang tumayo sa kanilang bisikleta para mag-unahan.

Tumersero si Ean Cajucom ng Go for Gold, isang minuto at 51 segundo ang agwat sa nanalong si Mendoza, habang sina Michael Bondoc, Dave Cortez at Harry Calida ang mga sumunod na tumawid ng meta.