Pinagtibay ng Court of Appeals(CA) ang naunang hatol ng Office of the Ombudsman na perpetual disqualification na muling makatakbo sa anumang pampublikong tanggapan si dating Makati Mayor Jejomar ‘Junjun’ Binay Jr.
kaugnay sa maanomalyang P1. 3 bilyon na school building project.
Ito ay matapos na ibasura ng CA ang motion for reconsideration ni Binay dahil sa kawalan ng merito.
“Separate Motions for Reconsideration of the Consolidated Decision promulgated on 28 May 2019…are denied for lack of merit,” nakasaad sa 12 pahinang decision ng CA.
Si Binay ay kinasuhan matapos nitong aprubahan ang resolusyon ng Bidding Award Committee sa kabila na kulang kulang ang requirement ng contractor kung saan ang nakalagay lamang ay ang title ng proyekto at project cost nito.
Dahil sa hindi kumpletong impormasyon sa pinalabas na invitation to bid, hindi nakalahok at nakapag sumite ng bid documents ang ibang biiders at napaburan ang Hilmarc at nai-award ang lahat ng konstruksyon sa Makati Science High School kasama na ang Phase VI.
Noong nakalipas na taon, kinatigan ng CA ang hatol ng Ombudsman matapos na mapatunayang guilty sa kasong graft kaugnay sa P1.3-billion Makati Science High School (MSHS) Building project.
Sa nabanggit na desisyon, sinabi ng CA na si Binay ay guilty sa serious dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of service.
Gayunman, ibinasura ng CA ang tatlong kasong administratibo laban kay Binay dahil sa condonation doctrine.
Inakusahan ng Ombudsman na nakipag-sabwatan sa iba pang mga city official at pribadong indibiduwal na manipulahin ang procirement para sa 10 palapag na MSHS building.
Sinabi ng Ombudsman na ini-award ni Binay sa Hillmarc Construction Corp. sa kabila ng iregularidad kabilang na ang paglalagay ng kunwaring “invitation to bid” announcements sa national daily newspapers.
Sa kontrata, kasama ang konstruksyon ng apat na palapag na dormitoryo na hindi naman nangyari ang konstruksiyon. (Juliet de Loza-Cudia)