Patas na pamama­hayag­ lang at hindi parachute journalism ang hinihilin­g ng administrasyong Duterte sa international­ media kaugnay ng ­kampanya nito ­laban sa iligal na droga.

Admittedly ay napaka-negative kasi ng mga foreign reports na ang binibigyan ng focus ay iyong mga napapatay na drug personalities habang naisasantabi ang daan-daang libo na sumusuko para magpa-rehab.

Sa malas ay may epekto­ na sa OFWs ang mga negative reports ­dahil inuulan na raw ng panu­nuya ang ilang OFWs­ sa Saudi Arabia mula sa ibang expat workers.

Common thread

Apparently ay hindi naman sa Saudi nationals­ nagmumula ang pang-aag­lahi sa mga OFW kundi­ sa iba pang foreign­ workers sa oil-rich kingdom.­

Ang common thread ng pang-iinsulto sa mga OFW, batay sa report ng isang OFW organi­zation sa Riyadh, ay kesy­o karamihan daw ng ­Filipinos ay drug addicts.

Of course, marami ­talaga ang 3 milyon na sinasabi ng gobyerno na drug addicts pero let’s not forget na mahigit 100 ­milyon na ngayon ang mga Filipino.

Supportive

Marami man ang 3 milyon, hindi nila nirerepresenta ang mayorya ng mga Filipino na galit na galit sa droga at lahat­ ng kriminalidad na ­dulot nito.

Let’s be clear about one thing: Fully­ supportive­ ang mga Filipino­ sa pagresolba­ sa problema ng droga dahil­ tayo rin naman ang makikinabang kung magtagumpay tayo sa objective na ito.

So balik tayo sa issue­ ng OFWs na tinutuya kaugnay ng drug issue. Iwas na lang ho sa gulo at konting lamig lang.

Problema ng lahat

Huwag tayong magpadala sa mga salita na alam naman natin na hindi totoo. In the first place, nagpapakahirap sa ibang bansa ang OFWs para ­kumita ng pera at hindi­ para pumasok sa gulo.

Iwasan ang makipagtalo. Siguro ay sapat na ang sabihin na ang droga­ ay problema sa lahat halos ng bansa at walang sinuman ang makapagsasab­i na drug-free ang kani-kanilang mga bansang pinanggalingan.

Kung hindi mapaliwanagan ang kausap, just leave.

Come follow Me On Twitter @beeslist. Kung may ipinagsisintir o may nais iparating sa mga kinauukulan, mag-email lang sa usapang_ofw@yahoo.com o tumawag sa 551-5163.