“Just tell them the truth”

Humarap sa imbestigasyon ng Senado at magsabi lang ng totoo.

Ito ang mensahe kahapon ni Pangulong Rod­rigo Duterte para sa kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte at manugang na si Atty. Manases ‘Mans’ Carpio na kapwa­ pinahaharap sa Senate ­inquiry ngayong araw, Setyembre 7 kaugnay sa isyu ng smuggling sa Bureau of Customs (BOC).

“Kung mag-appear kayo doon sa Congress and just tell them the truth. What’s wrong?

Lahat naman tayong abogado, we never question any lawyer for that matter getting a client even if he’s the killer. Even if we know that he is the killer or that he is the real culprit, we have to stand by our…

Ganu’n kaming mga abogado. Lahat tayong abogado, we know that. Sabi ko, there’s nothing wrong with that. Basta huwag ka lang… You know the boundaries,” paghahayag ni Duterte sa ika-60 anibersaryo ng Social Security System (SSS) sa Quezon City kahapon.

Ni-replay din ni PDu30 ang pahayag nito na nakahanda siyang magbitiw sa puwesto­ kapag napatunayan­ na siya ay nangurakot ­gayundin ang kanyang mga anak.

Sa panig naman ng manugang na si Mans, ikinatwiran ni Duterte na walang masama sa pagtatrabaho nito bilang isang abogado.