Patok ang salitang ‘Justice’ ngayong taon kaya ito ang waging Word of the Year ng Merriam-Webster.
Ayon kay Merriam-Webster Spokeswoman Meghan Lunghi, ang katagang ‘Justice’ ang nangibabaw sa isinagawang ‘search’ ng kanilang mga follower sa website. Umangat ang salitang ito sa 74% kumpara noong nakaraang taon.
“It’s often familiar words for abstract concepts that are among the most looked up words,” sambit naman ni Emily Brewster, associate editor ng Merriam-Webster.
“When common words like justice are used in contexts that are very specific, technical, or legal, people look them up in the dictionary for the detail and nuance that a definition can provide,” dagdag pa nito.
Nauna nang itinanghal ng Oxford English Dictionary ang salitang ‘toxic’ bilang kanilang salita ng taon samantalang sa Dictionary.com ay pumailanlang ang katagang ‘misinformation.’