Nitong mga nakaraang araw, kapansin-pansin ang mga magandang pagbabago sa buhay ng iconic singer na si Justin Bieber. Katulad ng kauna-unahang pagkakataon na umawit siya ng papuri sa Diyos, sa Churchome, Beverly Hills.
Muling inantig ng singer ang puso ng mga fan at netizen sa kanyang mahabang mensahe sa Instagram kahapon.
Ikinuwento niya ang mga pinagdaanan niya sa buhay. Pati ang mga pagkakamaling nagawa niya at kung ano ang tumulong sa kanya para bumangon.
Hindi umano biro ang pinagdaanan niya bago makamtan ang posisyong mayroon siya ngayon. Kuwento ng singer, nasa kanya na umano ang lahat – pera, ari-arian, sandamakmak na achievements at awards – pero hindi pa rin kumpleto ang buhay niya.
Matapos madiskubre ang kanyang talento, sa loob lamang ng dalawang taon ay nagbago ang buhay niya. Sa edad na 13 ay nabigla siya sa kasikatan na tinamasa.
“Everyone did everything for me so I never even learned the fundamentals of responsibility,” paliwanag niya.
Kaya naman nang tumuntong siya sa edad na 18 ay aminado siyang walang kasanayan sa tunay na mundo. Bunga ng kanyang pagkakaligaw at pagkalito sa buhay ay nakagawa siya ng mga maling desisyon.
Kuwento ng singer, “By 20 I’ve made every bad decision you could have thought of and went from one of the most loved and adored people in the world to the most ridiculed, judged and hated person in the world.”
Inamin niya rin ang mga pagkakamaling nagawa niya. Aniya, “I started doing pretty heavy drugs at 19 and abused all of my relationships.
“I became resentful, disrespectful to women, and angry. I became distant to everyone who loved me and I was hiding behind, a shell of a person that I had become.”
Hindi niya umano alam kung paano maibabalik ang dati at kung paano maitatama ang mga pagkakamali. Inabot ng taon bago siya makabawi sa mga maling desisyon sa buhay.
Gayunpaman, isang bagay lang umano ang nagbigay ng pag-asa at nagpabago sa kanya. Ito ay nang maikasal siya sa asawa na si Hailey Baldwin.
Sey niya, “Luckily God blessed me with extraordinary people who love me for me. Now I am navigating the best season of my life ‘MARRIAGE’!! Which is an amazing crazy new responsibility. You learn patience, trust, commitment, kindness, humility and all of the things it looks like to be a good man.”
Matapos ang kanyang appreciation post ay nag-iwan siya ng mensahe sa kanyang mga milyong follower.
“All this to say even when the odds are against you keep fighting. Jesus loves you. Be kind today, be bold today and love people today not by your standards but by Gods perfect unfailing love,” payo niya. (Ronaline Avecilla)