DALA ang temang “Puso ng Saya, Saan Man Sa Mundo,” ipapakita ng Sunday PinaSaya nga­yong Linggo kung paano sila magbigay ng saya at tuwa sa bawat Pilipino.

Sa bagong segment na SHOW NA NI JUTERTE: ANG PA-CONCERT NG PA­NGULO, bibida sina Pangulong Rodney ‘Dugong’ Juterte (Jose Manalo) at General Ibato (Wally Bayola).

Ibibirit nila ang kakaibang atake sa mga Filipino folk at nursery songs kasama si Renz Verano.

Bibida sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva ng My Love From The Star sa comedy sketch na BALIKBAYAN BEX.

Tampok dito ang isang barkada na nag-aral sa all-boys school (Wally Bayola, Andre Paras, Joey Paras, Jerald Napoles at Kim Last) na lahat ay naging beki.

Nagbabalik sila sa Pilipinas upang bumisita sa lamay ng kanilang dating teacher.

Magpapakitang-gilas sa pag-awit sina Christian Bautista, Ryzza Mae Dizon at Edgar Allan Guzman sa Kantaserye Presents CASA BUSLO, at makikipag-showdown kay Julie Anne San Jose.

Pasiklaban sa CAPTAIN BARBIE sina Marian Rivera at Ai Ai de las Alas bilang veteran stars na gustong bu­malik sa kasikatan. Gagawin nila ang lahat para makamit ang inaasam na kasikatan at magpapatalbugan sa harap ng batikang direktor (Ricky Davao).

Magsasama sina Alden Richards at Ruru Madrid sa MADRAMARAMA: YAKAPAN (YAYA, KAPATID, ANAK) bilang magkapatid na madalas mag-iringan.

Titindi ang kanilang hidwaan matapos maakusahan si Emmanuel (Ruru Madrid) ng isang krimen na hindi niya ginawa. Isang sik­reto ng pamilya ang mabubun­yag.