tonite-annyeong-rose-garcia

Nag-pilot kagabi, June 1, ang comeback drama ni Song Joong Ki na “Arthdal Chronicles.”

Ipinalabas ito sa tvN on a Friday-Saturday timeslot.

Pero ilang araw bago umere, hindi magaganda ang feedback na nakukuha ng drama mula sa ilang mga netizen. To think na marami ang naka-miss na mapanood na si Song Joong Ki na umaarte muli sa telebisyon.

Iba nga kasi ang konsepto ng “Arthdal”… na kahit naman si Joong Ki ay aminadong may nararamdamang pressure.

Ilang mga viewer daw ang skeptical talaga sa drama na ito. Ang point of conversation pa ay tila raw ginagaya lang ng bagong drama na ito ni Song Joong Ki ang series na “Game of Thrones.”

Ilan sa mga comment tungkol sa “Arthdal Chronicles”: “Wow, this is so embarrassing. And why is it so low quality? If you’re going to copy, at least copy it right…”

May comment pa na, “If anyone asks, I’m not going to tell them this is Korean… What a shame on the entire country.”

Pero siyempre, malalaman lang naman talaga kung kopya nga sa GoT ang bagong drama ni Song Joong Ki kapag pinapanood na.

G Dragon, Jooyeon may relasyon

Ilang beses na na-link ang dating miyembro ng After School na si Jooyeon kay G Dragon ng Big Bang.

Kahit na naka-enlist pa rin sa mandatory military service si G Dragon, heto’t na-link na naman ang dalawa.

Hati ang reaction ng mga fan sa pagkaka-link na naman nila ngayon. May mga nagko-comment na baka aksidente lang daw na na-upload ang video ni Jooyeon sa kanyang Instagram account.

Pero marami ang bumabatikos at nagsasabing gusto lang magpaka-kontrobersiyal ni Jooyeon. Nang mapansin na kasi agad minuto pa lang ng pagkaka-upload ni Jooyeon ng video, dinilete rin ito agad.

Pero ngayon, isa na itong full blown issue. At dahil dito, pareho na ring naglabas ng statement ang management nila. Sa part ni Jooyeon, hindi sila umamin at hindi rin naman nag-deny.

“Its a matter: of her private life. It’s difficult to confirm.”
Nakikiusap naman ang mga fan na ‘wag na raw gawan pa ng isyu si G Dragon lalo’t nasa military pa ito.

Han Hyo Joo nilinis sa Burning Sun scandal

Noong May 31, naglabas ang legal representative ng BH Entertainment na si Kim Moon Hee ng official statement na talagang walang kinalaman si Han Hyo Joo sa Burning Sun scandal.

Hindi raw ito ang aktres na tinutukoy sa programang “Unanswered Questions.” Nakasaad sa statement na:

“This is an additional official statement in regards to the circulation of false information regarding actress Han Hyo Joo.

“We previously made clear that Han Hyo Joo is simply a model for JMsolution. She has not once stepped foot in B­urning Sun, nor did she attend the event held on November 23, 2018. Despite this, false information has continued to spread recklessly, so I requested the production team of SBS’s ‘Unanswered Questions’ to fact check these details in order to correct this.

“As a result, the production team of ‘Unanswered Questions’ have confirmed through an official document that the ‘Actress A’ mentioned in the ‘The Secret Private Lives of Hwang Ha Na and the VIPs of Burning Sun’ episode (broadcast on May 4th) of the SBS series is not Han Hyo Joo.

“We inform you that we will take further legal action and strict measures without lenience nor settlements, in the event that [malicious commenters] intentionally post false information or malicious slander in the future as well.

“Thank you.”

Kaugnay pa rin ang isyu na ito ng Burning Sun scandal ni Seungri. Ang ine-endorsong cosmetics ni Han Hyo Joo ay sinasabing doon daw sa naturang club nag-part ang actress.

Pinabulaanan agad ito ng agency ni Hyo Joo pero may ilan pa rin na patuloy na idinadawit ang pangalan ng aktres. Hanggang sa naglabas na rin ang “Unanswered Questions” at nilinis na ang pangalan ni Hyo Joo.