tonite-annyeong-rose-garcia
Sa kabila ng ilang kritisismo sa tambalang Song Hye Kyo at Park Bo Gum, hindi maikakaila ang malakas na hatak talaga ng dalawang sikat na South Korean stars pagdating sa viewerships or ratings.
Naungusan pa ng pilot two episodes nila ngayong Linggong ito ang so far, nagtala ng highest viewership ra­tings among tvN drama na Mr. Sunshine.
Nagsimula nang ipalabas ang “Encounter” sa tvN noong Miyerkules at Huwebes nang gabi. Nakakuha ito ng viewership ra­tings ng 8.7 percent with a peak at 10.1 percent ayon sa Nielsen Korea.
Ang tvN ay cable channel kaya mas maliit ang viewerships na naitatala nito kumpara sa mga mainstream networks.
Sa pilot episode ng Encounter ay pinakita na ang u­nang meeting nina Hye Kyo at Bo Gum sa bansang Cuba. At lumabas din sa real-time search ng broadcast na ang nagbigay ng interest sa mga manonood na mapanood ito ay ang dalawang bida sa K-Drama. Bukod dito ay ang Cuba at sunset sa El Malecón.
But since it’s still on a pilot episode, it’s still a long way to go.