Inorganisa ng Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) ang “Chok Chok Korea” sa April para sa mga Pinoy na tagahanga ng K-pop idols upang iparinig ang kanilang mga lihim na kagandahan, mula sa mga eksperto. Ang “Chok Chok” ay isang “moist” at ginagamit upang ilarawan ang hydrated na balat na may maliwanag na kutis, ayon kay KCC Director Lee Jincheol.
Aniya isinasapinal na ng KCC ang mga detalye ng “Chok Chok Korea”, at ito ay bubuksan sa publiko. Ito ang unang pagkakataon na ang grupo ay mag-ayos ng isang kaganapan na may kaugnayan sa K-beauty.
Upang matulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang K-culture, ang KCC ay nagsasagawa ng mga cultural caravan mula noong 2012. Layunin na mabigyan ng inspirasyon ang mga Pilipino habang hinihikayat din silang mahalin ang kanilang sariling kultura, sabi ni Lee. Ang cultural caravan ay ginawa sa mga piling paaralan na may mga Korean classes at mga nag-aalok ng mga klase ng wikang Koreano.
Mayroong film screenings, lectures, traditional Korean art classes, K-pop dance classes, at cooking classes para sa mga high school students. Mayroon ding isang booth kung saan ang mga guro at estudyante ay maaring magsuot ng Hanbok (traditional Korean attire), isang book exhibit, at isang photo booth sa bawat caravan.
Noong nakaraang taon, tinatayang nasa 24,000 estudyante sa Luzon ang nakinabang sa pitong caravans na inayos ng KCC.
Nabatid na pitong eskuwelahan ang bibisitahin sa taong ito. Kasabay nito, ang KCC ay gagawa muli ng libreng konsiyerto sa taong ito. Ang Philippine-Korea Exchange Festival ay nakatakda sa Setyembre. (Mina Aquino)