WALEY: Halos walang kumbinsido na nararapat si Freddie Aguilar sa posisyong inalok sa kanya ni President Duterte.
Oo nga’t isa siyang magaling na singer/composer ngunit hindi sapat ang galing at tagal sa industriya upang pamunuan ang isang importanteng puwesto sa gobyerno.
Vocal ang ilan sa celebrities sa pagtutol sa kanyang pag-upo tulad ni Vivian Velez.
Meron ding isang magaling na aktres na nagsabing sa music na lang sana tumulong si Ka Freddie dahil ito ang kanyang linya.
Umaani rin ng hindi masyadong magandang reaksyon ang paglalagay sa puwesto sa iba pang singer na tumulong kay Digong noon sa kanyang kampanya na ngayo’y unti-unting nabibigyan ng puwesto.
Ano raw ba ang gagawin nila, magko-concert?
***
HAVEY: Mabuti naman at kumita nang husto ang pelikula ng Aldub. Ilang pelikula na rin ang mahina bago ang kanilang playdate.
Mabuti pa ang pelikula ni Enrique Gil under Star Cinema na kahit hindi malakas ay nasa mga sinehan pa.
‘Yun ang isa sa hinaing ng mga maliliit na producers.
Porke’t hindi sila regular player sa industry at hindi kasinlaki ng Star Cinema, halos laging first day-last day sila sa mga sinehan at wala silang nagagawa sa desisyon ng mga may-ari ng mall.
Isa pang itinuturong dahilan kaya mahina ang mga pelikula ay dahil sa malawakang pamimirata online.
Hope may magawang aksyon dito ang kasalukuyang administrasyon.
Isa sa biktima ay ang pelikulang Anino Sa Likod Ng Buwan. Hindi pa man ito naipapalabas, may mga kumakalat nang kopya.