Ka-liga ni Jim Paredes: Beteranong aktor may sex video rin

Season na naman daw pala ngayon ng scandal videos matapos mag-trending at pagpiyestahan ang jackvid ni Jim Paredes.

Actually, early this year pa kumalat ang screenshot ni Jim mula sa kontrobersyal na video niyang ‘yon, pero nu’ng isang araw lang lumabas ang mismong vid.

Halos kasabay nu’ng kay Jim ‘yung screenshot din ng isang beteranong aktor (BA) na sinasabing meron ding scandal video.

Close-up ang shot kay BA, pero makikitang wala itong suot na pantaas, nakahiga sa puting unan at tila may pinapanood habang nakatutok ang celfone camera sa kanyang mukha.

Nakakalerky dahil kung si Jim Paredes ay sexagenarian (67-anyos ang batikang singer-songwriter), itong si BA ay septuagenarian na dahil mahigit 70 na ang edad nito.

Kalukring ang ilang celebrities na ito na senior citizen na, pero tila ayaw pakabog at bet ding makipagsabayan sa scandal vids ng nakababatang celebs!

Kung maraming nagulantang sa pagputok ng batibot vid ni Jim, siguradong marami rin ang mawiwindang kapag kumalat ang scandal video ni BA.

Nirerespeto kasi at tinitingala sa industriya si BA sa halos limang dekada ng career nito bilang mahusay at premyadong aktor.

Ayon sa isang nagki-claim na nakapanood na ng private vid ni BA, ‘it’s way better’ daw kumpara sa pinagpasa-pasahang jackvid ni Mr. Paredes.

Merong mga interesadong makita ang nasabing video, pero meron ding mga hindi raw kayang panoorin ang vid ni BA dahil parang lolo na raw nila ang tingin nila rito.

Hindi umano nila maatim na panoorin ang lolo nila sa isang malaswang video.

Actually, wala naman tayong karapatang manghusga sa mga taong nasasangkot sa ganitong eskandalo dahil trip nila ‘yon at ginusto nila, so wala na tayong pakialam doon.

Ang problema lang ay kumalat ito at nalantad sa publiko, kaya natural lang na magkaroon ng sari-saring opinyon lalo pa’t mga kilalang tao ang involved sa isyu.

Pero sa dami na ng celebrities, mapa-babae man o lalaki, bata man o may edad, may career o wala, na nasangkot sa ganitong scandal videos, lahat naman ay na-survive ang pinagdaanan nilang eskandalo.

Pumutok, pinag-usapan, dumaan at later on ay nakalimutan. Parang ganu’n lang lagi ‘yung cycle. Until the next scandal comes along, ‘ika nga.

So, huwag na kayong magulat kung one of these days ay si BA naman ang mag-trending sa Twitter dahil viral na ang kanyang scandal vid.
Thank you, next!!
***

Guy, Pip, Boyet pagsasamahin sa LGBT movie

Happy and sad si Tirso Cruz III sa kanyang 67th birthday nu’ng April 1.

Masaya ang veteran actor dahil sinorpresa siya ng pamilya niya at malalapit na kaibigan sa eve of his birthday.

As in wala raw siyang alam na may inihanda palang salubong birthday dinner para sa kanya ang family niya sa Shabunoki resto sa Parañaque kaya napaluha siya sa pagka-touch.

At the same time ay malungkot din si Lolo Pip (tawag namin sa kanya) dahil first birthday niya ito na wala ang panganay niyang anak na si TJ Cruz na pumanaw November of last year.

Tinanong nga pala namin si Lolo Pip at si Papa Bo (tawag namin kay Christopher de Leon) kung ano’ng reaksyon nila sa balitang balak silang gawan ng reunion movie ni Direk Joel Lamangan kasama si Nora Aunor.

As in Pip-Guy-Boyet movie na may pagka-LGBT ang theme tulad ng ‘Rainbow’s Sunset’ ni Direk Joel na nag-Best Picture sa MMFF last year.

Naaliw kami sa mabilis na sagot sa amin ni Papa Bo na, “Magkano?” pero biro lang daw ‘yon. Sey ng Drama King, wala pa silang maisagot dahil wala pa naman silang natatanggap na offer.

“Unahin muna natin ang material, ‘di ba? Akin na ‘yung material, basahin natin. Depende ‘yan sa material.

“And of course, kailangang mag-usap sila ni Lolit Solis (manager niya) sa presyo,” natatawang dayalog sa amin ni Papa Bo.

Si Pipo ay may hirit na kung anong desisyon ni Boyet ay susunod lang siya dahil alam daw niyang hindi siya ipapahamak ng kanyang kaibigan.

Nandu’n din si Direk Edgar Mortiz at nabanggit nito na may binabalak silang gawin na series of shows sa North America.

Bale silang tatlo: Boyet, Pip at Bobot, na ang type nilang itawag sa concert series nila sa US at Canada ay ‘Titos of Manila’.

So, if ever ay kailangan daw ayusin para mag-swak sa schedule nila for the year kung sakali ngang magkakasundo sila sa planong pelikula with Ate Guy.