HABANG busy sa ­taping ang cast ng Meant To Be sa Singapore, busy rin ang fans sa pagboto kung sino kina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner ang dapat na makatuluyan ni ­Barbie Forteza a.k.a. Billie sa nasabing Kapuso primetime series.

Noong Lingg­o ­(Hunyo 4) nagsimula ang voting upang mala­man kung sino ang karapat dapat na maging ka-meant to be ni Barbie.

According sa website nito, open ito sa lahat ng viewers hanggang June 18, 2017 nang 11:59 PM.

Maximum of 10 votes per account ang pwede everyday.

Meron itong raffle kung saan may tatlong pwedeng manalo ng merch ng Meant To Be at isang winner ng cellphone.

For further information, bisitahin ang www.gmanetwork.com/MTBvote.