Kaaway ni pinsan tinodas sa suntok

Patay ang isang helper matapos suntukin ng kapwa helper sa Sta. Rosa City, Laguna Linggo ng madaling-araw.

Isinugod sa Sta. Rosa Community Hospital ang biktimang si Jasper Villegas, 28-anyos at taga-San Antonio, Los Baños, Laguna pero idineklarang patay na ito pagdating sa nabanggit na pagamutan.

Kinilala naman ang suspek na si Bryan Castañas, tubong Baybay, Leyte.

Batay sa ulat ng Sta. Rosa City Police, unang nakasagutan ng biktima ang pinsan ng suspek na si Dennis Castañas sa kanilang tinutuluyang quarter sa Olympia Subdivision sa Brgy. Labas, dakong ala-1:30 ng madaling-araw.

Natakot umano si Dennis sa biktima kaya nagsumbong sa suspek na humantong sa panununtok nito.(Ronilo Dagos)