‘Di na lang mga kalalakihan ang tampok sa bagong kinikilalang pinakapopular na sports ngayon — electronic sports o eSports — kundi pati na rin ang mga kababaihan.
Isa sa pangunahing hinihinging requirements ng International Olympic Committee (IOC) para maisama ang sport na maging medal event sa Summer Olympic Games o Winter Olympic Games ay ang pagsasama sa mga kababaihan gayundin ang importansiya at kahalagahan nito sa pagpalawak sa edukasyon.
Kaya naman itinayo ng isang organisasyon ang Female Esports League (FSL) kasabay ang pagbuo ng unang all-women sports circuit sa Southeast Asia na may nakatayang cash prize na SGD$12,400.
Pinaglalabanan sa FSL circuit ang game title na Mobile Legends Bang Bang na nagsimula noong Mayo, bago sundan ng League of Legends (LoL) at matatapos sa DOTA 2 sa Disyembre.
Asam ng FSL na mapalapit ang gap sa pagitan ng mga papaangat na babaeng gamers at ang mga nasa top tier competitors sa pagsasagawa ng mga torneo ng DOTA 2 sapul 2012 at League of Legends noong 2016.
Dinagdag ngayong taon ng FSL ang Mobile Legends: Bang Bang sa kanilang 2019 competition circuit na tampok ang regional online tournament para sa mga nakatira sa Singapore at Malaysia, Indonesia Vietnam at Pilipinas.
Bilang pagbabago sa 2019 circuit ay ipapatupad ng FSL ang bagong Elite tier na base sa madalas gawin na “Open” tiers. Ang mga magwawagi sa open category o regional tournaments ay magkakatapat-tapat sa isang offline final, na tatawaging “Elite”.
Mas malaki na rin ang mga paglalabanan na premyo at ang tsansa na makaangat o mapababa sa rankings para sa mga koponan na sasabak sa FSL elite dahil sa mas marami ang paglalabanan.
Kaya naman inaasahan sa pagsasagawa ng 2020 Tokyo Olympics kung saan isa na sa mga kasaling demonstration ang eSports, bantayan o subaybayan natin ang mga Pilipinang gamer kung makakatuntong sila sa Olimpiada alinman sa 2024 Olympics sa Paris, France o 2028 Olympics sa Los Angeles, California.
***
Maligayang pagbati ng kaarawan sa mga miyembro ng Luneta Zumba Hataw (LUZHAW) lalo na sa isa sa mga founder at organizer na si Rose Mabanta. Sana ay patuloy na maging masaya at pagbuklurin kayo ng ang inyong samahan na nabuo sa pagsu-zumba at regular na pagsali sa Philippine Sports Commission Laro’t-Saya sa Parke Play ‘N Learn Sports for Free.