Ano po ibig sabihin ng panaginip na makakita ka ng kabaong?

Ang kabaong sa panaginip ay hindi sumisim­bolo ng kamatayan sa halip konektado ito sa nararamdaman mong pagkawala at maaring isang pagtatapos.

Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naisip mo ang salitang pagkawala at pagtatapos. Sino ang nawala at ano ang natapos?

Sa halip na kamatayan, mas konektado sa emosyon ang ganitong panaginip kaya namang posibleng ang pagkawala at pagtatapos ay may kinalaman sa isang relasyon. Tanungin ang iyong sarili: meron bang isang taong nawala sa buhay mo? Maaring napalayo ang taong ito o maaaring naputol na ang koneksyong namamagitan sa inyong dalawa. Maaring ang relasyon ay pagkakaibigan at maaari namang higit pa sa kaibigan.

Wala kang nabanggit kung paano mo nakita ang kabaong? Nakaharang ba ito sa iyong daan? May dinaluhan o nadaanan ka bang isang lamay? May laman ba ang kaba­ong?

Kung hahanapan natin ng general na interpretasyon ang iyong pa­naginip, posibleng simbolo ito ng isang pagtakas sa reyalidad. Maari rin itong isang acceptance ng iyong isip patungkol sa pagkawala ng isang tao o ng anumang mahalaga sa iyong buhay kung saan tinatanggap mo na ang kanyang pagkawala.

Puwede rin isang bisyo na dating naging napakahalaga sa iyo pero inumpisahan mo nang talikuran. Puwedeng para sa iyo ay katumbas ng kamatayan ang pagkawala ng bisyong ito sa buhay mo.

Ang panaginip sa kabaong ay maari ring indikasyon ng isang matin­ding kabiguan.

Sa kabuuan, iisa lamang ang malinaw sa iyong panaginip: walang koneksyon ito sa kamatayan. Kung anuman ang nawala o nagtapos sa iyong buhay, tanging ikaw lamang ang makakatukoy.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip.

Wala itong kina­laman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.