Kakaibang trip. Ito ang umiikot na istorya ngayon tungkol sa ilang kabataan sa Indonesia na ginagamit ang pinakuluang sanitary napkin o pasador para makaramdam ng pagka-‘high’ tulad ng nararanasan ng mga gumagamit ng iligal na droga.
Ayon sa mga ulat, nasa edad 13 hanggang 16 ang mga kabataang ito at mula sa Purwodadi, Kudus, Pati, Rembang at West Semarang.
Pinakukuluan nila ang mga pad, bago man o gamit na, para makuha ang gel sa loob nito, matapos ay iinumin ang sabaw nito.
Nagbabala naman ang Indonesian National Drug Agency (BNN) sa bagong paraang ito.
Sa isang panayam, sinabi ni Senior Commander Suprinatro, head ng BNN, na ligal man ang kanilang materyal ngunit ginamit naman ito na tulad ng isang iligal na droga.
Dagdag pa ni Suprinatro, kailangang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga taong nagsasagawa ng ganitong paraan na may materyal na hindi pa classified ng batas bilang illegal drugs, ngunit maaari pa ring magamit sa maling paraan.