Dear FURRever FURRiends:
#CampSawi ka ba this Valentine’s Day?
Puwes, hindi ka nagiisa! Ayon sa isang survey ng Netflix last year, 65% ng Pinoy ay nakaranas na ng heartbreak. Dagdag pa ng survery, 29% ang nanonood ng romantic movies para lang mailabas ang kanilang dalamhati at ang 63% naman ay nanonood ng comedy para lang makalimutan, nang kahit sandali, ang kanilang pighati.
Pero alam mo ba kung ano ang mas mabisang paraan para malagpasan mo ang iyong heartache?
Makipaghalubilo sa mga hayop!
Ayon sa 12th International Conference of Human-Animal Interactions, ang pakikipaghalubilo sa mga hayop ay nagdudulot ng pag-release ng Oxytocin sa katawan ng tao. Ito ay isang hormone na tumutulong sa pag-bonding ng isang magulang sa kanyang anak. Ang nasabing hormone ay nagdudulot din ng damdamin ng pagtitiwala, optimismo at pagpapahalaga sa sarili. Kaya kapag ikaw ay may ‘trust issues’ magandang therapy ang pakikipag-interact sa mga friendly animal.
Salamat sa PAWs o Philippine Animal Welfare Society may pagkakataon tayong makipag-interact at tumulong sa mga hayop itong Valentine’s Week.
Mayroon silang espesyal na Valentine’s event sa Feb 12 at 13, 2020: Ang “PAWS FURSTDATE WITH THE HORSES OF TAAL” sa Lipa, Batangas. P1000 ang entrance, may kasamang light snacks at Batangas Coffee. Mangyari po lamang na magdala ng sariling lunch. Kontakin ang 09190053390 para sa mga iba pang detalye.
Ang mga pupunta ay makikipag-friends sa mga kabayong na-rescue ng PAWS noong sumabog ang Taal Volcano. Bagaman may isang namatay dahil sa pneumonia dulot ng ashfall, may 44 pang nag-survive sa ilalim ng pangangalaga ng PAWS sa Department of Agriculture Livestock Emergency Operations Center sa Lipa.
Ang mga kabayong ito ay inabandona ng kanilang mga may-ari sa Volcano Island noong sumasabog ang Taal. Isipin po ninyo – limang araw silang walang pagkain at tubig at hirap na hirap huminga dahil sa matinding ashfall!
Sa kasalukuyan, kailangan ng PAWS ng pondo para sa deworming, tetanus, dental work at pagkain ng mga kabayo. Ang inyong entrance fee ay pupunta sa mga pangangailangang ito.
Mababait po ang mga Taal Horses, marunong silang humingi ng treats at gustong-gusto nilang magpa-brush ng kanilang buhok. Pero bawal ang horseback riding kaya manage your expectations! Gayunpaman, sigurado po akong masisiyahan kayo sa kanila. Lahat po ng bumibisita at tumulong sa kanila ay nakakaramdam ng matinding galak at kasiyahan!
Kaya itong Valentine’s Day, huwag nang magpakasawi.
Let’s fall in love nalang with the Horses of Taal!
Love,
Joyce
Photos courtesy of PAWS
Email: usapangpetmaluatbp@yahoo.com