Halos matanggal ang tenga ng isang babae sa Odiongan, Romblon makaraang sugurin ng tunay na asawa ng kanyang kalaguyo kahapon ng umaga.
Sa panayam sa 18-anyos na dalaga na si Kim, hindi tunay na pangalan, dakong alas-siyete ng umaga kahapon nang matapos nitong mag-log in sa pinapasukang Odiongan Commercial Center, ay bigla umano itong kinausap ng anak ng kanyang kalaguyo.
Makaraan ang ilang minuto, dumating naman si Queeni, 20-taong asawa ng kinakasama ni Kim, at dito na sila nagkaroon ng komprontasyon hanggang magsabunutan.
Nakakuha umano ng matalim na bagay si Queeni na ginamit nito para tusukin ang ulo ni Kim at natamaan ang tenga dahilan para mapunit ito.
Agad na inawat ng mga saksi ang dalawa at dinala sa presinto, at makaraan ang pag-uusap, nagkasundo ang dalawang panig na huwag nang magsampa ng kaso laban sa isa’t isa, at makikipaghiwalay na umano si Kim sa asawa ni Queeni para matapos umano ang gulo.