MATAPOS maging unang FHM Sexiest Woman Hall of Fame inductee, kinilala ng isang American-based online media company ang Yan Ang Morning host na si Marian Rivera-Dantes bilang pinakamagandang artistang Pilipina sa isang feature article na inilabas nila kamakailan.
Ayon sa Gazette Review, si Marian ang isa sa ‘most in-demand celebrity endorsers in the country and is a frequent face on many magazine covers.’
Nanguna si Marian sa listahan na kinabibilangan ng iba pang mga artista tulad nina KC Concepcion, Maja Salvador, Angel Locsin at Anne Curtis.
Si Marian ang Ynang Reyna Mine-a sa requel ng Encantadia.
***
Naglabas ng initial unofficial list ng mga pelikulang nag-signify ng intensyon na sumali sa MMFF ngayong taon.
Masaya sana kung makapasok ang entry nina Charo, Uge, Nora, at marami pang iba.
Exciting ang 54 entries na nasa listahan.
***
Usap-usapan si Paolo Ballesteros sa anniversary ng Eat Bulaga. Totoo kayang babalik na siya sa mahal niyang programa sa September? Sana.
Kasi by then, natapos na niya ang dalawa niyang pelikulang kasalukuyang ginagawa.
***
Wagi sa takilya ng North America last weekend (Hulyo 29-31) ang bagong bukas na Jason Bourne.
$59.2M ang opening weekend gross ng action sequel na pinagbidahan ni Matt Damon.
***
Ginawang chick flick ang remake ng Ghostbusters.
At iyong Splash (1984) na nagtampok kay Daryl Hannah bilang sirena, ikinakasa ang remake kung saan merman naman si Channing Tatum.
***
Kumusta ang pina-presscon nang The Greatest Love na akala ng marami ay ipapalabas na agad?
Bakit parang mabibinbin ito?
Anyare?