Kung nagawa ng mga miyembro ng ­Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) na okupahan ang pabahay ng gobyerno sa Bulacan, ito’y dahil sa may koneksyon sila sa admi­nistrasyong Duterte.

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV, ang koneksyon ng mga komunistang lider ng Kada­may sa gabinete ni Pangu­long Duterte ang posibleng naging susi sa pag-okupa nila sa pabahay ng National Housing Authority (NHA) para sa mga sundalo at pulis sa Pandi, Bulacan.

Base sa impormasyong nakalap ni Trillanes, ilang miyembro ng Gabinete na may kinalaman sa pagpapatakbo sa mga pabahay ng gobyero ay konektado sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Ilan sa mga ito ay sina Leoncio Evasco Jr., Secretary ng Gabinete at Chairman ng ­Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), sinasabing miyembro ng CPP, at halal bilang miyembro ng CPP Central Committee sa ikawalo na Central Committee Plenum (1981) sa Mt. Susung Dalaga, Bicol; Marcelino P. Escalada Jr., General Manager ng National Housing Authority (NHA), sinasabing full time na miyembro ng CPP; at James Mark Terry Ridon, Chair ng Presidential Commission for the Urban Poor, halal bilang miyembro ng CPP Central Committee Member sa ika-13 na Central Committee Plenum (2012) sa Quezon City.

Nababahala si Trilla­nes sa problemang pang-seguridad sa pag-okupa ng Kadamay sa housing project ng gobyerno sa Bulacan kung totoo ang natanggap nitong intelligence report na karamihan sa miyembro ng Kadamay ay mga komunista.

“Kung totoo ang mga nasabing ulat, ang pag-­okupa ng Kadamay sa ilang komunidad ay ­nangangahulugan ng paggawa ng kanlungan ng mga komunista sa Bulacan, na malapit lamang sa National Capital Region,” babala ni Trillanes.

“Maliban sa naka­babahala at delikadong halimbawa nito, ang pagpayag sa mga miyembro ng Kadamay na okupahin ang buong komunidad ay may implikasyon sa kalagayan ng seguridad sa bansa lalo na’t ayon sa mga intelligence report ay isang front organization ng mga komunistang grupo ang Kadamay,” ani Trillanes, dating nagsilbi sa Philippine Navy.

Matatandaang mismong si Pangulong ­Rodrigo Duterte na rin ang nagdesisyon na ­huwag nang paalisin sa housing project ang mga miyembro ng Kadamay dahil sa magpapatayo na lang daw siya ng mas maayos na pabahay para sa mga sundalo at pulis.

One Response