Kaewpin, Valdez pinutakte ang Motolite

By Fergus Josue, Jr.

COOL ANG SMASHERS

Hinataw ng Creamline Cool Smahers ang ikatlong sunod na panalo nang pabagsakin sa apat na set ang Motolite 13-25, 25-19, 25-16, 25-23 Sabado ng gabi sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan.

Tumibay ang tropa ni Alyssa Valdez sa pagkapit sa ikalawang pwesto bitbit ang 3-1 na win-loss record.

Nanguna para sa Cool Smashers si Thai import Kuttika Kaewpin na may 17 points, sa likod ng 17 attacks, habang umayuda naman ng 13 mar-kers si Valdez, mula sa walong kills at limang aces.

Naging mabagal ang simula ng tropa kaya’t nagawang dominahin ng Motolite ang first set at nakawin ito bago muling umariba sa second set ang Cool Smashers sa likod ng 9-0 run.

“I think we knew what we are doing wrong and our mistakes nung first set which was the reception and Jia [Morado] couldn’t set it up sa mga spiker,” sabi ni Valdez.

“I think we really focus on how we really can do better on receiving, so mas better naman nung second through fourth set.”

Mas naging dominante ang Cool Smashers pagpasok ng third set pero nagawa pang manakot ng Motolite sa fourth set nang dumikit 23-24 pero nag-service error si Fhen Emnas na nagpanalo sa Creamline.

Pumalo ng 23 points si Channon Thompson at 11 points si Krystel Esdelle para sa Motolite, na sadsad sa 0-4 baraha.