Kagawad, 1 pa kinidnap

Isang kagawad ng barangay at kasama nitong caretaker ang dinukot ng mga armadong lalaki noong Huwebes sa Brgy. Cambitala, Pantaba­ngan, Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni PCol Leon Victor Rosete, Nueva Ecija police director, nakilala ang mga dinukot na sina Brgy. Kagawad Eduardo Binuya Del Rosario, 61, ng Brgy. San Ricardo, Talavera at si Cayetano Reyes Costalles, 51, caretaker sa lupa ni Del Rosario, ng Brgy. Cambitala, Pantabangan.

Sa salaysay ni Aurora Viernes Costales, maybahay ni Cayetano, ala-1:30 ng hapon nang duma­ting ang 6 na armadong lalaki na lulan ng walang plakang SUV at sapilitang isinama sina Eduardo at Cayetano.

Inaalam pa ngayon kung ano ang motibo sa pagdukot. (Jojo De Guzman)